1st Person's POV
We we're driving for almost one hour. Nasa van ako katabi si Francine Marcial at halata ang pagka irita ng mukha nito.
Hindi naman halatang ayaw niya sa'kin-_-. Simula palang kasi ay matalim na palagi ang tingin niya sa'kin. At dahil wala naman akong pake alam sa nararamdaman niya kaya hindi ko nalang iyon pinupuna.
I'm wearing my grey cardigan with black sando and shorts, yakap ko ang sarili ko dahil sa lamig. Paano ba naman kasi, ni hindi ako ini-inform sa mangyayari. Yan tuloy at manipis na pambahay ang suot ko dahil hindi na ako binigyan ng oras na makapag-bihis.
Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta at wala na'rin akong paki alam kung saang ilog man nila ako dalhin. Ewan ko, lutang parin ako sa nangyayari.
Iniwas ko ang pagkakatitig sa bintana nang uni-unti kong maramdaman ang pagkahilo dahil sa mabilis na andar ng sasakyan at ang pagpapalipat-lipat na rin ng paningin ko sa kung saan-saang gusali. Dahil na rin siguro sa madilim at sari-saring ilaw din ang nakikita ko.
Bumaling ang atensyon ko sa hawak kong cellphone nang basagin nito ang katahimikan sa loob ng van. Lumingon din sa gawi ko si Francine at yung mga mukhang body guard na kasama namin sa loob.Bakit ba kailangan ng bantay? Mukha ba akong delikadong tao?
Nang mabasa ko ang caller ay sinagot ko naman ito.
"Klein," Bati ko.
"Nasaan ka? Wala ka raw dito sa Apartment niyo. Totoo ba?" Tanong niya.
"Hmmn, lilipat muna ako pansamantala,"
"Told 'ya. Gagawin mo pa akong sinungaling," My eyebrows crashed when I heard someone's voice from his line. Boses iyon ni Irah.
"Nasa apartment ka ngayon?" Tanong ko.
"Oo. Sabi nga nung bata wala ka raw. Nasaan ka ngayon?"
"Hindi ko pa alam. Ite-text ko nalang sa iyo yung address," sagot ko.
"Ano? Hindi mo alam kung nasaan ka?"
"I'm fine. Mahabang kuwento. Sige na, umuwi ka na. Iniistorbo mo yung bata jan," Natatawa kong sambit. "Bye,"
"Wait-" Napindot ko na ang end button kaya hindi na niya natuloy ang sasabihin niya. Nang mag home naman ang screen ay binasa ko ang 1 unread message at galing ito kay Mrs. Kho.
'Ano? Baka naman may plano ka nang magbayad ngayong buwan? O baka gusto mong bisitahin ulit kita diyan sa apartment mo?.' Laman iyan ng message na ni replyan ko naman agad.
'Wala po ako sa apartment.'
Nang ma-sent ko ang reply ay pinatay ko agad ito at napapikit na sumandal. Masyado na'kong na s-stress, at pakiramdam ko ay gusto kong umiyak.
"You're not allowed to decide na magdala nalang ng kung sinong bisita sa lugar na iyon. Hindi mo pag-aari ang lugar so stop inviting," BIglaang sambit ni Francine Marcial. Hindi makapaniwalang napalingon ako sa katabi kong nakahalukipkip sa pagkaka-upo.
Ano daw? Ibang klase, daig ko pa ang preso!
"Hindi ko naman inaako ang lugar, bisita lang naman ang gagawin nila," sagot ko.
"Alam mo bang isang private property ang titirhan mo at hindi basta-basta ang mga taong nakakapunta doon? Bilang respeto nalang ay gawin mo kung ano ang dapat. Huwag ka sanang umabuso," She smiled sarcastically.
BINABASA MO ANG
The Million Dollar Woman
RomanceZiaren's miserable life started since her mom delivered her into this world, and died right after she was delivered. Aside from growing she also realized that the changes of her father is worsening. Didn't miss nights without drinking and smoking. A...