1st Person's POV
NAKA-UPO ako sa katabing upuan ni Zoren. Nasa iisang table lang kami at kami lang dalawa doon. Everything and everyone in here looks so expensive. Nanliliit ako sa suot kong pink na dress at may ribbon pa sa magkabila kong tenga. Hindi ko rin alam kung bakit gusto kong ganito ang outfit ko ngayon. I just find it cute and formal.
There's one thing and especially the reason why I'm feeling nauseous right now is the stares of everyone for me. It was as is they were questioning my existence in here. Unti unti akong nakakaramdam ng suffocation, bakit nga ba ako andito?
"Okay ka lang?" tanong ng katabi ko.
I simply nodded. Lumingon siya sa paligid at napapansin ko rin na kanina pa siyang parang may hinahanap.
"Hindi ko pa nakikita si Irah, " Sabi ko. Agad niya akong nilingon at mukhang nagulat pa.
"Ah, andito siya kanina pero mukhang na-busy na rin ata." Tumango ako sa kanya.
Nang tinuon ko ang tingin ko sa harap ay halos matigil ako nang makita kong nakatingin sa akin ang Lola ni Irah, yung nag c-celebrate ngayon, nagtagal ang tingin niya sakin at parang nagtataka pa. Nilingon niya ang papa ni Irah at tila itinuro ako.
I panicked. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako! Pano pag lumapit siya at tinanong kung sino ako? Anong sasabihin ko?
When suddenly, someone hold my chin at hinarap ako sa kanya. It was Zoren, he's looking at me as if he's worried about something. Nang nilingon ko ulit ang matanda ay mukhang nagdadalawang isip pa siya bago sumunod sa asawa niya.
"Bakit moko.." hindi ko natapos ang sasabihin at binitawan niya ang baba ko.
"May dumi,"
"Huh?" kinapa ko ang baba ko at tiningnan siya. Hindi ko nalang din pinilit at hinayaan nalang.
Makalipas ang ilang minuto ay nagme-message ang family members nila, nang may naisip akong itanong.
"Zo.. Sa tingin mo ba andito siya?"
"Hmm? Sino?"
"Yung.." hinawakan ko ang umbok sa tiyan ko, "Papa niya."
Tila siya natigilan saglit bago ngumiti genuinely then he shrugged. "Malay natin."
"Kilala mo siya, alam ko."
Natitigan niya lang ako at natahimik.
"Bakla ba iyon? May kilala kasi akong mayamang tao na sikat tapos bakla siya tapos gumagastos siya para sa ganito. Hindi ba sila iisa?"
Humagalpak ng tawa si Zoren. Pinagtawanan niya ang sinabi ko at may paghampas pa siya ng lamesa.
"Seryoso ako!" naiinis ko ng sabi.
Pinigilan niya ang pag tawa bago sumagot. "Alam mo pag narinig ka niyang sinabi iyon. Baka bitayin ka patiwarik ha-ha!"
"Bakit?" so, it means he's straight?
"Wala, wala. Hindi kita masasagot sa ngayon miss. Pasensya na," kinurot niya ang pisngi ko at pinalo ko ko naman ang kamay niya.
Tumayo ako at nag paalam.
"Diyan lang ako, babalik agad ako. Nahihilo ako sa ilaw," sabi ko.
"Samahan na kita?" tanong niya.
"Hindi na! Hanapin mo nalang ang kapatid mo." tukoy ko kay Christie na kaninang naka upo dito at nagpaalam na mag C-CR.
Hindi ko rin alam kung saan ang punta ko. Ang gusto ko lang talaga ay maka-alis doon.
BINABASA MO ANG
The Million Dollar Woman
RomanceZiaren's miserable life started since her mom delivered her into this world, and died right after she was delivered. Aside from growing she also realized that the changes of her father is worsening. Didn't miss nights without drinking and smoking. A...