1st Person's POV
NAKAUPO ako sa kama habang nasa harap ko ang Donya, she's directly staring at me mula ng makapasok kami.
"Gusto sana kitang tanungin kung ano ang nangyari pero mukhang hindi na dapat pa. Ang gusto ko lang naman malaman ay kamusta ka hija? Mabuti ba ang pakikitungo niya sa iyo?"
Hindi ko naman siya masagot sa litanya niya dahil hindi ko rin naman alam ang maisasagot.
"Hindi.. niya naman po ako pinapabayaan," mahina ang boses kong sagot.
Mapungay ang mata ng Donya, kaso hindi iyon namana ni Luciel mas namana niya siguro ang mata ng Lolo niya, yun bang naiintimidate na mga mata, yung parang hinuhusgahan ka pero wala namang emosyong pinapakita.
Ang lola niya ay puno ng buhay ang mukha, siya bale ang nagbabalanse ng pamilyang ito. Kung namana niya lang iyon ay siguro gusto ko na siya.
"Ang apo ko... sa tanang buhay ko ay ni kailanman hindi ko siya nakitang magpakita ng emosyon. Palagi siyang malamig sa mga bagay, bibihira ko lang siya makitang ngumiti, well, nakita ko ang sigla niya noong mga nakaraang taon pero nawala ulit iyon." mapait siyang ngumiti.
"Sa pamilya namin, bente singko anyos ang lalaki ay dapat magtayo na siya ng sariling pamilya habang pinamamalakad ang kompanya, maaga namang napamana sa kanya ito, 22 anyos siya noon, halos kakatapos niya lang ng pag-aaral, pero kinaya niya. Maraming nagsasabi na nagmana siya sa tatay nya, nagagalit iyon pag naririnig niya iyon." nang-aasar ang tingin niyang sabi.
"Palagi nalang siyang walang buhay kapag nakikita ko, nalulungkot ako dahil hindi ko siya matulungan. Hinahanapan ko siya ng kahinaan, ng mga bagay na ikasisiya niya pero hindi ko iyon nakita. Pero nung binanggit niya ang tungkol dito, nakaiwas ang tingin niya at namumula ang kanyang tenga." natatawa niyang sabi.
"Kaya sabi ko, kapag nakita kita ay marami akong maik-kwento. Lalo na kanina," saglit siyang natigilan. "Noong nakita ko siyang nakatingin sayo, nakita ko ang mukha ng asawa ko noong araw na iniwan ko siya."
Napayuko ako sa mga naririnig ko. Akala niya ba na may relasyon kami ng apo niya? Napapalunok akong yumuko at iniwas ang tingin.
"Pasensya ka na at napakwento ako nang wala sa oras, noong nakaraan kasing binisita kita ay masama ang pakiramdam mo. Nasasabik lang ako ngayon dahil makikilala na kita." malawak ang ngiti niya.
"Alam mo bang ka hawig mo ang Ina ni Luciel ko?"
Narinig ko na iyon, may nagsabi sa akin non.
"Kaso iniwan niya ang apo ko, dahil sa isang lalaki. Nagkakilala kasi ang ang anak ko at ang babaeng iyon sa bar,"
Hindi pa rin ako makasagot. Anong sasabihin ko?
"Hay naku, hindi ko na dapat sinabi pa iyon, di bale marami pa akong ik-kwento sa iyo sa susunod."
Nang mag gabi ay naiwan ako sa kwarto. Medyo mahaba rin ang napagkwentuhan namin, although sumasagot lang naman ako sa tuwing nagtatanong siya.
Nakatulala ako sa infinity pool nila sa dulo at kanang bahagi ng mansyon na nasa second floor. Nakatuon lang ang paningin ko sa tubig habang hindi pa rin natatanggal sa utak ko ang nangyari.
Kaka-alis lang ni Irah at kinamusta ako, at napag usapan ng saglit ang mga bagay.
Nanatili akong ganun nang biglang may kumatok at pumasok na maid.
"Inanyayahan na po kayong bumaba para sa dinner,"
"B-busog pa–" tatanggi na sana ako nang matanaw ang Donya sa pinto.
BINABASA MO ANG
The Million Dollar Woman
RomanceZiaren's miserable life started since her mom delivered her into this world, and died right after she was delivered. Aside from growing she also realized that the changes of her father is worsening. Didn't miss nights without drinking and smoking. A...