1st Person's POV
Madidischarge na ako nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Dior, mukha siyang nagmamadali pero well composed pa rin siya.
"Sir, we really need to leave. There are already people outside,"
Buti nalang ay tapos na ako sa lahat at siya nalang yata talaga ang hinihintay bago umalis. Nalingunan ko si Luciel na blangko ang itsurang nakatanaw sa labas ng bintana at nakapameywang, hindi tuloy nakatakas sa paningin ko ang namumula niyang kamay na sa tingin ko ay yung naipit kanina lang sa may pintuan.
Pagkababa namin ng building ay napapalibutan kami ng tatlong tauhan ni Luciel, although pansin ko pa rin ang mga flash ng camera sa kung saan, hindu naman nila kami dinudumog pero may mga flash ng camera sa paligid na sa tingin ko nga ay mga paparazzi. Tinago ko ang mukha ko at yumuko, kailangan ay hindi ako makilala sa camera.
Ngunit nagulat nalang ako ng huminto si Luciel sa harap ko at isuot sakin ang isang sombrero. Tumalikod na siya at nauna saka ako nagtatakang sumunod.
Tahimik lang kami sa kotse at halos hindi ako huminga dahil baka pati paghinga ko ay marinig sa sobrang tahimik.
"How are you feeling now, Ziaren?" pagbasag ni Dior sa katahimikan na nakaupo sa front seat, nilingon ko ang katabi ko at nasa labas lang ang panigin niya.
"I'm fine, sorry sa inakto ko."
"Oh no, it's not your fault so don't say sorry, right senyorito?"
"Who's fault it is that you want to imply?"
"No one! Haha," pagkatapos non ay wala na ulit nag salita.
Napaikot nalang ang mga mata ko, hindi pa inamin. Pero atleast nag sorry siya kanina, okay na yon.
Nag init nalang ulit ang mukha ko nang maalala ang ginawa niya kanina. Bakit pa kasi may pa ganon siya?
Pagkarating namin sa bahay na iyon, ay malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Ang akala ko pa naman ay sa Haciendaq na ang balik namin, umasa pa ako.
"Do you really wanna go back to Laguna?" papa akyat na sana ako non nang bigla niya iyong tanungin kasabay ng pagsarado niya sa double door. Hindi naman ako nakasagot agad sa kaba.
"Uhh, okay lang naman ako dito."
Humakbang siya papalapit sakin, hindi ko naman magawang umatras dahil parang napako ang paa ko doon.
Nakatingala siya sakin dahil nasa ikalawang hakbang na ako sa hagdan nang bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko kaya nang magawa niyang yumuko at dampian iyon ng halik ay halos sumabog ang puso ko at napalunok.
"You scared the shit out of me," bulong niya sa tiyan ko. "Don't do that again." dagdag niya.
Kinailangan ko pang lumunok ng dalawang beses bago ako sumagot. "Hindi niya naman kasalanan iyon,"
Umayos siya ng tayo at nanunuri ang tingin niyang tinititigan ako nagawa pang gumalaw ng ulo niya na para talagang sinusuri ako.
"I know,"
Kinabukasan ay maaga akong nagising para makapag luto ng almusal, nakaligo na si Luciel nang bumaba at nakabihis na rin para sa trabaho niya.
Piniling ko ang ulo nang maisip ang kung ano, hindi naman kami magka ano ano! Nilutuan ko lang kaming pareho no!
Nang makita ko siyang hindi ako pinansin ay halos manlumo ako. "H-hindi ka kakain?" wala sa sarili kong tanong. Nilingon niya ako ng nagtataka mula sa sala, nang maglakad siya palapit sa kusina ay tinanaw niya ang luto ko bago ako ulit nilingon.
BINABASA MO ANG
The Million Dollar Woman
RomanceZiaren's miserable life started since her mom delivered her into this world, and died right after she was delivered. Aside from growing she also realized that the changes of her father is worsening. Didn't miss nights without drinking and smoking. A...