Chapter 18

325 13 0
                                    


1st Person's POV

NAKATULOG agad ako pagka uwi dahil sa bigat ng mga talukap ko sa mata dahilan rin siguro sa pagod at sa pamamaga ng mata ko kakaiyak. Nagising nalang din ako na katabi na si Ren. Ang sabi niya kasi ay gusto niya akong katabi at ayaw niyang matulog sa guest room, para saan pa daw e ako ang ipinunta niya.

Pumasok ako sa CR at nag half bath as I realized na nawawala yung kuwintas ko. I'm pretty sure na nahubad ko iyon noong mga nakaraan at hindi ko na ulit nakita. Well, maybe nandyaan lang at nailapag ko sa table o naitago ko.

Madilim na rin sa labas nang lumabas ako. Patay na ang mga ilaw dahil halos madaling araw na at batid kong full moon ngayon dahil sa sinag nito na pumapasok sa kakaunting siwang ng kurtina sa sliding glass door sa balkonahe.

Dumiretso ako sa kusina nang halos bulag dahil madilim, kakaunting ilaw lang ang nabibigay ng buwan dahil sa mga kurtina, kaya binuksan ko agad ang ilaw sa kusina nang makapasok.

Gabi gabi nalang akong ganito. Hindi ako nagugutom ng madaling araw noong hindi pa ako nagbubuntis pero nang simulang may mabuhay sa sinapupunan ko e imbes na tatlong beses kumain sa isang araw ay halos nagpapa apat para sa madaling araw. Babae naman ang anak ko? Ang sabi nila ay mas matakaw pag lalaki. Medyo tumataba na nga rin ako, lalabas din bang bochog ang anak ko?

Lumabas ako sa balkonahe na may dala nang ipina init ko na oat meals. Umupo lang ako sa hammock chair at tahimik na kumain habang naalala ang nangyari kanina. Ka ano-ano kaya ni Irah ang lalaking iyon?

Pumasok sa isip ko yung Kuya na binanggit sa akin ni Irah dati. Siya kaya iyon? Oo, at nakita ko siya sa Resto dati at likod niya lang ang kita ko kaya hindi ko alam ano itsura niya.  Tapos yung boses niya! Oo! Tanda ko na kung bakit pamilyar ang boses niya! Siya yung nakatawagan ko! Malaki ang posibilidad na siya nga iyon!

Pero bakit siya andito? Kung siya nga si Luciel Ruego ay ano ang ginagawa niya dito at umaastang hari sa lugar na ito? Pagmamay ari ba nila Irah 'to? Maaari siguro.

Kung gayon ay may alam si Irah sa sitwasyon ko. Alam niya ang mga hindi ko nalalaman at ang mga iniiwas na ipa alam saakin.

Eh, ano naman ang papel ni Luciel dito? Kung magkamag anak nga sila at mga Ruego, why are they meddling with this? Why would they do this? They're too much for this. Their family is too much for this.

And this is stressing me. It's too consuming me at sumasakit ang ulo ko.

The sudden splash of water made me look at the river. Medyo nagugulat na nakatitig ako banda doon pero nang tingnan ko naman ay wala namang tao kaya nagtataka akong napatitig doon at naghintay kung may makikita pero wala. Sigurado akong may narinig.

Wala sa sarili ay hinakbang ko ang mga paa at nagsimulang maglakad papalapit sa may narinig na pagbagsak. Hindi alam ang ginagawa, obviously. Nang makalapit naman ako ay may naapakan ako sa damuhan. Isang puting damit at pajama na kulay itim. May tao dito.

Dali dali akong nagtago sa bandang dulo ng tulay nang marinig ko ang umahon mula sa river. Nagmumukha na tuloy akong naninilip nang mapagtantong naliligo iyon.

Nakatalikod sakin ang malapad nitong likod na kumikinang mula sa pagkaka ahon sa tubig na natatamaan ng sinag ng buwan. Isa iyong lalaki dahil naka topless ito at iisipin ko sanang si Zoren iyon pero natanto kong maputi ang isang ito.

It's Luciel.

Shit! Eto na nga ba ang sinasabi ko at dapat ay hindi na ako lumapit dahil mapapahiya nanaman ako. Hindi ko alam ang gagawin ng mag isip ng kung ano para maka alis nang hindi niya napapansin. Nilingon ko ulit siya at nakatayo sa doon, stiff. Hindi siya gumagalaw na ipinagtaka ko hanggang bewang niya ang tubig. Kaya naman dapat ay maka alis na ako doon!

The Million Dollar WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon