1st Person's POV
"SAAN mo ba ako dadalhin? Ang akala ko ba ay sa mansyon ang dinner?" tanong ko habang nagmamaneho si Luciel papunta sa kung saan.
"We won't go there."
"But she's expecting me,"
"They all know you're with me,"
"They?"
Nakamot niya ang bandang kilay at hinayaan ang kanang kamay lang ang nasa manibela, tila siya nauubusan na ng pasensya.
Aba'y magtatanong talaga ako! Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko siya no.
"My family."
So, andun silang lahat? Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko pa ito sa kanya na hindi niya ako pinapunta doon.
"Saan tayo pupunta?"
"Magkakainan,"
Natitigilan ko siyang tinitigan. "What?"
Saglit naman niya akong nilingon."What?" kunot noo niyang tanong.
"Anong mag.. kakainan?"
"Isn't that means we're going to eat? Filipina ka ba?" Sulyap niya sa'kin na nagtataka. Naka nganga ko lang siyang pinagmasdan na parang alien ang nakikita ko.
"Saan mo naman nakuha ang salitang iyon?"
"Isn't it like that?"
Bastos iyon!
"Magkakainan means uhh eat-" hindi ko alam kung paano idudugtong ang mga salita "each other."
"Oh," Hindi na siya nag salita. Bagkus ay tumahimik na lang siya at nagpatuloy sa pagmamaneho. Hindi ko nakitaan ng expression ang mukha niya at seryosong tutok sa daan.
Oh? Weirdo talaga!
Makalipas ang ilang minuto na wala nang imikan sa sasakyan ay inihinto niya ito sa tapat ng isang magarang hotel napakataas niyon at sa tingin ko ay ito na ang pinaka mataas na building na nakita ko dito, puro gold ang kulay noon sa labas pa lang.
'LAUCHENGCO HOTEL'
ang naka ukit sa mismong bandang itaas ng entrance. Ang akala ko ay pag mamay-ari nila ang hotel, sa yaman nila ay imposibleng wala silang property dito sa buong Laguna.
Sandali.. Bakit hotel?
Nilingon ko siya "Anong ginagawa natin dito? Bakit nasa Hotel tayo?"Sandali niyang natigilan at nilingon ako nang nagtataka, nang rumehistro sa utak niya ang sinabi ko ay bumaba ang tingin niya sakin, awtomatiko namang gumalaw ang mga braso upang takpan ang dibdib ko.
"Tss. What do you think?" seryoso niya akong tiningnan sa mata.
Magsasalita pa sana ako nang bigla siyabg magsuot ng itim na sumbrero. Hindi ko naman sana pagtatakhan iyon kung hindi ko lang napansin na ang suot niya ay puting polo na naka rolyo hanggang siko at slacks na pang opisina!
Anong style ito?
Nakangiwi ako at nakatanaw sa ayos niya nang mapansin niya iyon at nilingon ako ng pasiring.
"What?" umiling ako.
Binigay niya sa valet ang susi nang makalabas kami pareho. Kinakabahan naman akong pumasok sa loob, hindi ko naman kasi alam kung ano ang gagawin namin dito.
Tahimik lang akong sumusunod sa kanya habang pinagmamasdan ang lugar, maganda nga talaga lalo na sa loob ng Hotel marami akong turistang nakikita at mismong interior ay nagsusumigaw sa mahal.
![](https://img.wattpad.com/cover/188221021-288-k906562.jpg)
BINABASA MO ANG
The Million Dollar Woman
RomanceZiaren's miserable life started since her mom delivered her into this world, and died right after she was delivered. Aside from growing she also realized that the changes of her father is worsening. Didn't miss nights without drinking and smoking. A...