Chapter 20: Themiscyra

1.7K 110 20
                                    

KASDEYA ARGYROS' Point of View

Everything happened so fast.

Parang pinapadali ng oras yung pagpunta namin doon. Hindi ko alam kung bakit, but the ride towards Themiscyra feels short kahit alam kong sobrang tagal nito. I blink and suddenly, we are landing in a remote island— far from other islands— and surrounded by the sea.

Nang magsitayuan sila pagka-land ang eroplano ay napasunod ako. Bumukas ang pinto at lumabas na kami.

I'm greeted by the fresh yet salty wind of the island, the complete opposite from the grand architecture that I see after stepping out of the airplane.

May isang malaking palasyo sa gitna ng isla. It nothing like anything I have seen. Sobrang taas nito at engrande na napaisip ako kung gaano ito katagal ginawa. Kahit yung main building sa Acropolis, walang laban sa palasyo ng mga Amazons.

Nawala ang tingin ko sa palasyo nang may lumapit sa aming dalawang babae. May hawak hawak silang mga spear at ang mga suot nila ay chiton dresses na pinapatungan ng armor na nakalagay sa kanilang dibdib, braso, at tuhod.

Seryosong seryoso ang mukha nila at nakakakilabot ang mga mata nilang pinapanood ang bawa't kilos namin.

"We've been expecting you, Hellenes."

Mas lalo akong kinilabutan sa boses nila. They're serious, way too serious. Hindi ko alam kung magandang bagay ba yun o hindi.

Lumapit sa kanilang dalawa si Nephele. "I'm Nephele Aberie, the person-in-charge. I guess you already know the reason why we're here."

Tumango ang isang babae at nilahad ang kamay niya patungo sa palasyo. "The queen is already waiting for you. Follow us."

"This way, demigods."

Nagsimula na silang maglakad patungo sa malaking palasyo. Nagkatinginan kami ni Abigail at River bago sundan yung dalawang amazons. Wala sa amin ang umimik.

Huminga ako ng malalim. I can feel my hands sweating.

It's weird. Hindi naman ako kinakabahan sa pwedeng mangyari sa Themiscyra. I don't completely trust these Amazons, they're female warriors who won't hesitate to cut my head when they want to. You have to be careful when dealing with these types of people.

Pero pinagpapawisan ang mga kamay ko. Something... doesn't feel right.

But what?

I lick my lips before breathing in the fresh scent in the air. Napangiwi ako nang may mapansing mali. A silent crawl of a rustic feeling overtakes my senses. Tumaas ang balahibo sa likod ng aking leeg.

Sabi na nga ba.

Delikado rito.

Bumuntong hininga ako. Pinagmasdan ko ang likod nung dalawang Amazons na nasa harapan namin. And now, because of my bad feeling, may masama na rin akong naiisip na gagawin nila sa amin.

What if this was a trap and they're walking us to our deaths?

Paano kung niloko lang nila ang higher ups at gagawin kaming bait para gawin ng Acropolis ang gusto nila?

A million thoughts run in my head but I slap myself mentally to stop them. Shut up, Kasdeya.

Diretso ang tingin ko sa harapan. Mula sa malayo ay may natanaw akong tatlong babae na nasa harapan ng gate papasok sa palasyo. The woman in the middle seem more powerful than the two people beside her.

Napalunok ako dahil mas lalong sumama ang kutob ko nang nakita sila. They look so serious, lalo na yung babae sa gitna.

Tumigil ang dalawang Amazon na sinusundan namin at umalis sa aming harapan kaya ngayon, ang tatlong babae na ang kaharap namin.

Descendants of the GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon