Chapter 69: Captive

1K 96 107
                                    

KASDEYA ARGYROS' Point of View

I wake up with a throbbing headache. My vision is so blurry that it mixes everything I see like something from a melting pot. Napahawak ako sa ulo ko pero naramdaman ko lang ang malamig na metal sa aking palapulsuhan.

Then like a flick on the light switch, I remember the last thing I saw before passing out.

"Aries." Mahina kong bulong sa aking sarili bago tumayo mula sa maruming sahig at tumakbo paalis.

Muntik na akong matalisod nang bigla akong matigilan. Something prevented me from going further and no matter how much I try to advance, my efforts are futile. My wrists starts throbbing as if I'm stretching them.

Tinaas ko ang aking mga kamay at pinagmasdan kung ano ang mali sa aking palapulsuhan.

Thick metal encircles my wrists connected to a large chain. Sinundan ko ng tingin ang kadena at nakita ang dulo nito na nakasabit sa sulok ng kwarto. I pull on my wrists and try to break the chains, but it's too heavy and sturdy.

My chest rises when my breathing becomes ragged. The familiar brick walls are covered in dirt and cracks. Ang isang pader naman ay gawa sa mga riles na kasing kapal ng metal na ginamit sa kadena. Mula roon ay nakita ko ang ilan pang kulungan na katulad nitong kinalolooban ko.

Nanginginig ang mga binti ko nang mapagtanto kung nasaan ako. Aries got me.

I'm back in my old prison cell.

I flinch and almost gag when a putrid smell penetrates my nose. Parang pinaghalong tuyong dugo at patay na hayop ang naaamoy ko. I have to cover my nose and mouth to stop the vomit rising in my throat.

Tumingin ako sa lapag. The lights are dim but I don't need light to see. Kitang kita ko ang itim na natuyong dugo sa sahig. Some stains look too fresh and new for comfort.

Sinubukan kong lumapit sa mga bakal pero pinigilan ako ng kadena. It's not long enough to stretch towards the prison bars.

Kailangan kong umalis dito. I can't get trapped here again. Ayoko nang bumalik sa dati ang buhay ko.

Napaupo ako sa maruming sahig. I hold myself using my strength so I don't have to actually sit on the floor. Tumingin ako sa paligid ko at natigil ito sa isang bagay na hindi masyadong malayo sa akin.

I stretch my hand carefully and reach for it. Naramdaman ko kung gaano ito katagal na nandito sa kulungan dahil malapit na itong masira. Dahan dahan ko itong inasog papunta sa akin.

Hinawakan ko ang itaas ng bungo at inalis ito mula sa sahig. I look under the skull only to find disappointment when there's nothing inside there. Pinagulong ko ito palayo sa akin at tiningnan ang iba pang parte ng kalansay na nakakalat sa sahig.

I was wrong. Hindi ito ang dati kong kulungan. My prison cell doesn't have bones or carcasses... this is worse.

Kinuha ko ang isang maliit na buto na nasa sahig. Judging from the size, it must have come from someone's finger. Pinaglaruan ko ito at paulit ulit na kinatok ang sahig gamit ang buto.

Whenever the bone would crumble in my hand, I would grab another one to play with.

I know it's going to be hard to escape here. Kailangan kong mag-isip. Sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. The familiar atmosphere is starting to haunt me.

Pilit kong kinakalimutan ang mga ginagawa nila noon sa akin para pakalmahin ang sarili ko.

Sobrang tahimik ng paligid. The sound of the bone against the floor echoes around the room. Pinalakas ko ito ng pinalakas hanggang sa mabasag ang buto sa kamay ko.

Descendants of the GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon