Chapter 54: Muse of the Stars

1.2K 106 15
                                    

KASDEYA ARGYROS' Point of View

Once the elevator doors open, I didn't expect to see a girl standing in front of me. Nagkagulatan pa kami nang makita namin ang isa't isa.

Nanlaki ang mga mata niya. She's familiar, mukhang member rin siya ng Hellenes pero hindi ko alam kung ano ang dorm niya.

The girl with messy uniform and a bottle of wine in her hand has her short auburn hair tied up in a high ponytail, her violet eyes reminds me of the rich color of grapes.

She gets over the shock quickly after blinking at me. "Sorry, hindi ko alam kung lasing ba ako o nasa harapan ko si Kasdeya Argyros."

I tilt my head to the side. "I am Kasdeya Argyros."

Tutunggain na sana niya yung alak niya pero napatingin siya ulit sa akin. Sunod sunod na kurap ang ginawa niya bago manlaki muli ang kaniyang mga mata. She gasps slightly, like a cat that got caught in a door.

"Holy Olympus."

Umalis ako sa elevator bago pa man iyon magsara. Kinunutan naman ako ng noo ng babae, sinusundan pa rin ako ng tingin.

Nilahad ko ang isa kong kamay. "Kasdeya Argyros. Nice to meet you."

Bumaba ang tingin niya sa kamay ko. Aabutin na niya sana iyon nang mapagtanto niyang ang kamay na may hawak sa wine bottle yung ilalahad niya, kaya mabilis niya itong pinalitan.

She shakes my hand. Napangiwi ako dahil parang noodles yung kinakamayan ko. Gaano ba siya kalasing?

"Hailey Caprio, daughter of Dionysus." Agad rin siyang bumitiw sa akin bago uminom ng alak.

She lets out an exhale after taking a few gulps. Tumingin siya ulit sa akin. "Just so we're clear, ikaw yung anak nung muse 'di ba? Yung mga kasama ni Apollo. Ano ulit pangalan nun? Urania?"

I can't help but give her a disgusted look. Her words are all slurred together that it barely makes sense. Tapos napapasinok pa siya sa tuwing tumitigil siya sa pagsasalita.

Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. This girl is probably the same age as Paris and River. This convinced me that every child of Dionysus becomes an alcoholic after turning eighteen.

Hindi pa man ako sumasagot ay tumango tango na siya. Halos pumikit na ang mga mata niya, and worst of all, pasuray suray siya kahit nakatayo lang naman siya. "Oo, ikaw yun eh. Sabi nila cute ka raw? Psh, ang blurry nga ng mukha mo eh!"

"That's because you're drunk." Sagot ko. I've seen this girl before when the Hellenes were training in the forest, and she was sober back then. Sa pagkakatanda ko, hindi naman siya ganito.

Inirapan niya ako. "'Kay, daughter of Urania or whatever." She takes another sip of wine. "Congrats, by the way. Sabi sa'kin ni Paris kaka-claim mo lang daw. Ang galing. Pa-feel special ba mommy mo? Bakit ngayon lang? Ikaw tuloy topic ng mga demigods... Haha..." Mahina siyang natawa bago suminok.

I frown. Alam ba ng ibang demigods na claimed ako? Akala ko, ang sinabihan lang nina Sir Adonis ay members ng Hellenes. Not like it's a secret, but it's not big new either. I'm just another demigod who got claimed, my mother isn't even an Olympian.

Umiling nalang ako bago baguhin ang usapan.

"By the way, bakit ka nakatayo sa labas ng elevator? Were you supposed to go up?"

She grins widely when she nods like she's high. "Oo, bakit? Ubos na yung alak ko kaya kukuha ako ng panibagong bote sa taas," She hiccups. "Na-distract ako ng ganda mo eh. Bawal 'yan, may crush na'ko." Biro pa niya sa akin.

Descendants of the GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon