Chapter 74: Green-Eyed Demigod

1K 80 24
                                    

KASDEYA ARGYROS' Point of View

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Paris habang naglalakad kami sa isang hallway.

The four corners are splattered with blood and broken weapons. The walls are almost falling apart too. Parang massacre ang nangyari dito.

Hinigpitan ko ang hawak kay Commander. Sumulyap ako sa nakayuko niyang pigura.

Her messy, long black hair covers her face, making it hard for me to see anything beyond. Halata ang pagpapahirap na ginawa sakaniya ng Katharsis dahil pati ang ulo niya ay may natuyong dugo.

We turn to a new corner. Sumalubong sa aming paningin ang ilang demigods na pamilyar sa akin, kaya agad kong napagtanto na taga-Acropolis sila. They're carrying shields and swords when they turn to look at us.

Mabilis nila kaming nilapitan. Paris and I walk to meet them. Agad na binigay ni Paris ang walang malay na Commander sakanila. They take her and shield her from any danger.

"Dalhin niyo si Commander paalis dito. Make sure she's safe! Dapat makita namin siya pagbalik." Utos ni Paris sakanila.

I squint my eyes while looking at them. I've seen these demigods before inside the Acropolis, which means that none of them are disguising as our allies.

Tumango ang babaeng lumapit sa amin. "Kami na po ang bahala kay Commander. We won't disappoint you."

Paris smiles. "Thank you."

Hindi na ako kumibo. Tinanguan ko nalang siya pabalik bago sila umalis sa harapan namin at lumabas ng Headquarters.

Lumingon sa akin si Paris. "Let's go. This isn't over yet."

Mabilis kaming tumakbo paalis doon. We venture around the headquarters. I can hear the sounds of bomb from outside and the slight tremors in the ground.

I almost trip. Buti nalang at agad akong naalalayan ni Paris.

Napatigil kami sa pagtakbo nang humarang sa daanan naming dalawa ang isang demigod na may bitbit na palakol. Humigpit ang hawak sa akin ni Paris.

None of us recognized her.

We move out of the way when she runs to attack us with full force. Sinipa siya ni Paris sa tagiliran bago ako hatakin patakbo. I glance at the girl, she's on the ground and struggling to get up.

Bumilis ang pagtakbo namin ni Paris. The demigods who would see us run and try to attack pero nauunahan sila ni Paris bago pa man sila makalapit sa amin.

I duck when a falling ceiling almost crushes me. Sinabayan ko ang mabilis na pagtakbo ni Paris, pero nahihirapan ako dahil sobrang haba ng binti niya. Nagpahatak nalang ako.

"Shit!" Sabay naming mura nang muntik na kaming matamaan ng arrow na nanggaling sa aming likod. Masamang tiningnan ni Paris yung demigod na nagpakawala nung palaso bago siya pumito gamit ang dalawa niyang daliri.

A stymphalian bird swoops in and attacks the man with its razor-sharp feathers and claws. Napangiwi nalang ako nang marinig ang sigaw ng lalaki bago mapuno ng pula ang aking paningin.

Paris is gentlemanly enough to cover me from the gruesome scene. Gods, I almost forgot how aggressive those birds are.

Nauna na akong tumakbo paalis para hindi ko na makita ang nangyari sa malas na demigod na iyon.

Narinig ko ang malakas na huni ng ibon sa likod na sinundan ng mga mabibilis na yapak. Not long after, nasa gilid ko na si Paris at hinawakan niya muli ang palapulsuhan ko.

I groan. "Malayo pa ba? Baka nakasalubong na natin lahat ng Katharsis tapos hindi pa rin tayo nakakalabas." Sabi ko sakanya.

We have been running endlessly, turning in every corner and climbing every stair we see. Hinihingal na ako sa pagtakbo pero alam kong hindi kami p'wedeng tumigil.

Descendants of the GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon