Chapter 35: Son of Athena

1.6K 105 83
                                    

KASDEYA ARGYROS' Point of View

Pinaglaruan ko ang pendant ng kwintas sa aking leeg habang nakaupo sa kama. I stare mindlessly at the wall— Which I've been doing for five days of nothing.

Nang makabalik kami sa Acropolis ay sinalubong kami ng isang galit na Ma'am Franchesca, disappointed na Sir Adonis, at mga nagkakagulong Hellenes. Most of those feeling are directed to me though. Apparently, nasanay na sila kay Theon.

I wonder how many times he sneaked out with his Five Lotus, but that's least of my priorities.

Pagktapos akong pagalitan ay pinagpahinga nila kaming dalawa ni Theon para bumalik ang lakas namin. We had to stay in our rooms and we aren't allowed to go out, even for food or training. Dinadalhan lang ako nina Hurricane ng pagkain mula sa pavilion.

It's obvious that this isn't a break. It's more like a... House arrest— or more accurately, a dorm arrest.

Wala akong choice kundi sumunod. Hindi rin naman labag sa loob kong manatili sa dorm ko at walang gawin. Now that I've come to peace with the fact that I need to stay in Acropolis for a while, I have no desire to think of an escape plan anymore.

Medyo unfair lang dahil bored na bored na ako, but I bet Theon is using his Lotuses to get some work done; Like gathering information, surveying the area, and other things, para pagbalik niya ay hindi na mahirap mag-adjust.

Ang saya pa naman kung may mga taong nagtatrabaho para sa'yo.

You barely have to lift a finger. Kailangan mo lang gawin ay mag-utos at siguraduhing tama ang ginagawa nila.

Huminga ako ng malalim bago bitawan ang pendant ng necklace ko. The stone slightly hits me in my chest, but the layers of the Acropolis' Hellenes uniform prevents me from feeling the contact.

Speaking of that Alastorian bastard, limang araw na rin kaming hindi nagkikita at nag-uusap. Right after he gave me my necklace, we stopped acknowledging each other's presence.

Theon and I aren't close. Hindi ako sigurado kung papayag ba siya sa plano ko, kaya bawal ang pagiging padalos-dalos. He's harder to crack than the Acroplis' barrier. Kailangan kong masiguradong aayon sa gusto ko ang magiging sagot niya.

But how do you manipulate someone who... can't be manipulated?

Pumunta ako sa harapan ng aking vanity table at tiningnan ang itsura ko. Hindi naman ako lumalabas kaya hindi rin ako nag-aayos, but I still look decent even without anything on my face.

Maybe that's a gift for being Aphrodite's descendant. Appearing pleasant is the least of your worries.

Those words echo in my head when I pick up the powder compact in my desk. They contradict my actions and I'm aware of that. Pero hindi ko pinigilan ang sarili sa pag-aayos ng itsura.

It's almost like I'm anticipating something that will happen today.

The clear mascara and pink lipgloss in my hands feel weightless when I apply them. Tila lumilipad ang isip ko at wala ako sa sarili. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang plano ko at kung paano ko siya makukumbinse.

Nang matapos akong mag-ayos, sinigurado ko munang walang lukot ng uniporme ko. I also fix my long braid, making sure it's not crooked in any sides. Lumabas na ako sa aking kwarto pagkatapos.

Katapat ng aking pinto ang hagdanan paakyat sa second floor, kaya naabutan ko si Hurricane na pataas sa palapag. She smiles after seeing me close the door of my room.

"Good morning, Kas!" Bati niya pagkatigil sa harapan ko. I notice the melodious tone in her breezy voice.

I give her a head tilt to the side. "You sound happy."

Descendants of the GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon