Chapter 47: Shipwrecked

1.2K 88 46
                                    

KASDEYA ARGYROS' Point of View

As soon as the white glowing circle disappears underneath me, I fall on the wet floor desperately gasping for air.

Napahawak ako sa dibdib ko. Nanginginig ang buong katawan ko kasabay ng paglabo ng aking paningin. I can feel tears welling up in my eyes as I try to breath normally.

"My power can only take you this far. From now on, I can only give you limited support."

I flinch at the voice in my head. The woman settles at the back of my memories after guiding me through the entire battle.

"I wish you luck in your journey, Kasdeya. May the stars guide your path."

Unti unting humina ang boses niya, hanggang sa mawala na ito na parang bula.

"Kasdeya!" Rinig kong sigaw ni Paris. He tries running towards me pero bigla siyang natapilok dahil sa sementong nakaharang sa daanan niya.

I can't even laugh or taunt him, gustuhin ko mang gawin yun. I'm running out of air and I struggle to breathe properly.

My chest tightens. I can feel my consciousness slowly slipping away from the lack of air. Ang hirap nang ibukas ng mga mata ko, at ang sakit pa ng dibdib ko.

Kailangan ko ng hangin.

"Paris."

"Huh? Bakit ako?"

Suddenly, a loud sound makes me flinch. Napapikit ako. I whimper when no air entered my lungs. I start to panic even more, hanggang sa hindi na ako makahinga. Parang nalulunod ako. If I don't get to breathe soon, I'll faint—

Napasinghap ako nang may biglang nagtaas ng mukha ko. I meet eyes with him momentarily before he crashes his lips to mine.

I close my eyes and I hold onto him tightly. Unti unting nagkaroon ng hangin ang katawan ko. Pagkatapos ng ilang segundo ay humiwalay na siya sa akin. I take a deep breathe. Sumandal ako sakaniya nang biglang umikot ang paningin ko.

Napahawak si Paris sa magkabila kong bewang para masuportahan ako. I hear him draw a loud sigh. "Okay ka na, Madame?"

"Thank you." Nahihirapan kong sabi sakaniya.

"Welcome," I can hear the awkward smile in his voice. "First kiss ko yun ah."

Hindi ko siya pinansin. I thought I was going to die, kung hindi niya ako binigyan ng hangin baka natuluyan na ako.

Biglang umuga yung barko kaya nawalan kami ng balanse. Paris' hold on me slip when he slides across the wet floor, samantalang ako naman ay nahulog ulit sa sahig. Pati si River ay nahulog sa sahig, which is entirely her fault because she's been laughing since earlier.

Si Theon lang ang nakatayo ng mabuti. The three of us struggle to get up while groaning in the process.

Napatingin ako sa dagat. The violent winds and raging fires are extinguished as soon as the Campe turned to dust, pero malakas pa rin ang pag-alon ng tubig.

At dahil sa nangyaring labanan at mga pagsabog, nasira ang barko.

I turn to Theon. "The ship won't hold much longer! We'll sink if we don't do anything!" Sigaw ko sakaniya.

"Ano bang magagawa natin?!" Sigaw pabalik ni River habang nakaharang ang isang braso para hindi siya matalsikan ng maalat na tubig. "None of us can calm the seas. We're not children of water deities!"

Paris turns to us sharply. "Unless..." Napatingin rin siya kay Theon habang nanlalaki ang mga mata.

Kumunot ang noo ko. What is he thinking?

Descendants of the GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon