Chapter 39: The Agenda

1.3K 99 37
                                    

KASDEYA ARGYROS' Point of View

I have one week before I die.

Kailangan kong kumilos ng mabilis. Hindi rin p'wedeng malaman ng mga kasama ko ang usapan namin ni Ma'am Franchesca.

My mind has been occupied by this thought for a while. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa kaba. What would happen to me if I fail? Would I really die, just like that?

Ang dami dami ko nang pinoproblema, tapos dadagdag pa ang isang 'to.

"Inaantok na ko. Malapit na ba tayo?" Biglang reklamo ni Paris sa kalagitnaan ng byahe namin.

Tiningnan ko siya mula sa rear view mirror at sinamaan ng tingin. "You can sleep in the car... Dumbass." Sabi ko sakanya, pero bulong lang ang insulto sa huli.

Kanina pa siya reklamo nang reklamo na inaantok, napapagod, at nagugutom na siya. It had also been hours since the first time I thought about strangling him. Kanina pa kami bumabyahe. Sumisikat na ang araw at nakatulog na rin ako sa sasakyan ng ilang oras.

Napasulyap ako sa katabi kong walang imik simula nung umalis kami sa Acropolis. Is he not tired?

Theon had already established na hindi siya mabilis mapagod, kaya hindi ko maiwasang maisip kung hanggang saan ang capacity niya. Even when he's gravely injured, he still doesn't back down from anything.

He would probably keep fighting until he dies.

Paris pouts like a child. "Eh, gusto ko sa kama matulog. Ang sakit ng likod ko. Hindi ako makatulog ng maayos."

"Spoiled brat." Bulong ko, ngunit malakas pala ang parinig niya.

"Hoy! Ang sama mo sakin, Madame. Ba't ganyan ka?!" Naiiyak na sambit sa akin ni Paris.

I can't help but roll my eyes at him. He's obviously just being dramatic. As if iiyak naman talaga siya eh ang kapal ng mukha n'yan.

"We're almost there. Stop complaining." Theon's voice cuts through the air like a searing knife. Wala nang sumunod na magsalita at tumango nalang si Paris.

True to his words, few minutes after he announced that, we finally stop in front of a hotel in the bustling city.

Malaki ang hotel at mukhang mamahalin. Sa labas palang ay halata nang maganda at engrande ang loob nito.

Itinigil ni Theon ang kanyang sasakyan sa harapan. As if on cue, men in uniform start to approach us.

Nang tanggalin ni Theon ang kaniyang seatbelt ay sumunod na rin ako. He quickly goes out of the car to meet one of the staff.

Lumabas kaming tatlo sa sasakyan while Theon gives the car keys to the valet while the other men in uniform take our belongings.

Sa mga gamit namin napunta ang atensyon ko. I watch them put it in a hotel rack before bringing it inside. Sumundo kami sakanila.

Tama ang hinala kong hindi pangkaraniwang hotel ang pinasukan namin. My vision is automatically blinded in gold, the most prominent color seen in the hotel lounge. May malaking chandelier sa taas at ang mga hagdanan at elevator ay kulay ginto rin.

At the very center of the room is a grand piano which looks like the main masterpiece in a museum.

Mangha akong napatingin doon. The way it's positioned in the center reminds me of a concerto wherein the audience wait for the pianist as they stare at the piano basking in white spotlight.

Nawala room ang atensyon ko nang lumapit sa amin ang isang babae. "Welcome to Grande Hesperides. The Acropolis has contacted us about your stay here. How many rooms would you like?"

Descendants of the GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon