Chapter 48: Kidnapped

1.2K 92 38
                                    

KASDEYA ARGYROS' Point of View

There's so many things happening that we have to let it sink in our minds one by one.

Nasa labas kami ng isang drug store habang nililinis at nilalagyan ng gauge nina Paris at River ang kanilang mga sugat. Nakaupo kami sa gilid ng hagdanan sa tapat ng driveway. We can't stay inside para maghilom ng mga sugat dahil sa itsura naming apat.

Naglagay lang naman ako ng ointment sa mga pasa ko at band-aid sa ilang sugat na nahanap ni Theon kanina. He helped me with my wounds kahit kaya ko na naman ang sarili ko.

Sumandal ako sa isang poste habang pinapanood si Theon na tulungan rin ang dalawa. Magaling rin naman siya sa pagpapagamot ng mga sugat, he even did things I don't know. Nakikinig lang ang dalawa habang tinuturuan sila.

Paris would sometimes sneak a glance at me when he can. Si River naman ay minsan mapapatunganga habang nakatingin sa akin. Specifically, to my eyes.

Napabuntong hininga ako. I couldn't blame them either.

Ang daming nangyayari kanina na halos makalimutan ko na.

I was claimed by my deity parent. In the battlefield.

Even after every impossible thing that happened earlier, I still can't believe it. Gaano ba katagal? I've known that I'm a demigod for at least eight years and during that time, she never bothered to claim me. Not even a glance, or an ounce of attention

Tapos ngayon, bigla bigla nalang siyang magpaparamdam.

Pumasok siya sa buhay ko kung kailan hindi ko na kailangan ng atensyon niya.

Bakit ngayon lang?

Nakahalukipkip ako kaya dumiin ang hawak ko sa aking braso. My nails dig on my skin as that thought invade my mind. It devours me completely until it's the only thing I can think about.

Why did it take so long? Ngayon lang ba niya natandaan na may anak siya? Posible na ako lang ang nag-iisang anak ng isang goddess na katulad niya. She's Urania, the muse of astronomy. I've never met someone who comes from the Nine Muses.

Habang tahimik na nakamasid sa mga kasama ko, hindi ko maiwasang maisip ang isang posibleng dahilan kung bakit ngayon lang ako na-claim ng deity parent ko.

The Hellenes need help, and it was the gods' divine intervention. Maybe the only reason why she acknowledged me is... for the Olympian's cause. For the mission.

Not because she wanted to. Not because I deserve to know.

If it weren't for the Campe, baka hindi niya ako pinansin. I would still be unclaimed until I die... Maybe this isn't important for her even if her existence plays a role in a big chunk of my identity.

Given her timing and what was happening, including the words she said to me, it's clear that she only did it so we can kill the monster. Halata naman sa mga naging utos niya sa akin. Ito rin ang unang beses niyang kausapin ako.

It's not out of the goodness of her divine blood, or because she felt responsible.

Even if I'm her daughter.

Dahil kahit na anak niya ako, mortal pa rin ako. A half-blood. Demigod. Imitheos. Whatever you want to call it, it means one thing— I'm not important to her.

Naputol ang pag-iisip ko sa pagkalam ng isang sikmura.

Lahat kami ay napatigil at napatingin kay Paris, kung saan nanggagaling yung bayolenteng tunog. Hindi ko maiwasang mapangiti ng kaunti.

He smiles sheepishly. "Guys, narinig n'yo na naman. Gutom na talaga ko."

Umirap ako sa kawalan. I shake my head lightly before standing up. "You guys continue tending your wounds. I saw a convenience store earlier, ako na ang bibili ng pagkain."

Descendants of the GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon