Chapter 45: Celestial

1.3K 109 35
                                    

NOTE:
Sorry for the late update, I forgot to publish the chapter earlier this morning and it's been a reallyyy long day:")

Anyways, buckle up because this is going to be one hell of a chapter.

. . .

KASDEYA ARGYROS' Point of View

"Keep yourself safe, Argyros."

The elevator doors close after he said those words. Napabuntong hininga ako. He didn't have to tell me, alam kong kailangan kong mag-ingat dahil wala siya sa tabi ko.

Wala akong intensyon na pumanik sa roof deck dahil alam kong mapapahamak lang ako.

Malamig ang bote ng pabango na binigay sa akin ni Paris. I hold it tightly like it's the most precious thing in the world. I carefully grip it to prevent the bottle from falling.

I turn on my heel and run.

Tiningnan ko ang lahat ng kwartong nakahilera sa hallway. I check if the rooms are occupied or not. After making sure that no one is here, I go back to the elevator.

Pumasok ako sa loob at nagpunta sa main floor ng barko kung nasaan ang buffet. I assume na nandoon ang lahat ng mga pasahero.

Nang makalabas ako sa elevator ay naabutan ko ang mga tao na mukhang hindi alam ang gagawin. Some would scream when the boat would shakes violently.

I gasp when I feel it shake stronger than before. Humawak ako sa pader na nasa gilid ko.

Narinig ko ang pinaghalong sigawan ng mga tao sa gulat at takot. Malakas akong napamura. They're staring to panic. I need to step in and control the situation.

Sinandal ko ang aking likod sa pader at binuksan ang hawak hawak na pabango. I spray it on my neck and wrists like what Paris advised to make the scent prominent.

Inalala ko ang tinuro niya sa akin. I just need to make sure they smell it, right?

Kahit na medyo mahirap maglakad ay nagpatuloy ako. Nagpunta ako sa harapan ng mga taong hindi napansin ang presensya ko dahil nagpa-panic silang lahat.

"Listen up!" Sigaw ko sa lahat. Yung mga malalapit sa akin ay napahinto bigla at tumingin sa akin.

The perfume's working. But I need everyone's attention.

Naglakad ako palapit sa mga tao. Nakihalo ako sakanila at hinayaang maamoy nila ang suot kong pabango. "I said; Listen to me!"

Most of the people in the area stops abruptly to give their attention to me, kaya walang nagawa ang ibang hindi naabot ng pabango ko na mapatingin din sa akin.

The chaos finally dies down.

Nahagip ng paningin ko ang isang staff ng barko na nakatingin sa akin. I march towards her and grab one of her shoulders. "Lead everyone to a place far from the roof deck. You'll be safe there, make sure everyone gets the message."

Walang pag-aalinlangan siyang sumagot bago tumingin sa mga taong mukhang robot na nakamasid sa akin.

"Sundan niyo po ako, dadalhin ko kayo sa ibaba!" Sigaw ng staff sakanila. Patakbo itong pumunta sa harapan ng mga tao bago sila dalin sa sinasabi nitong lugar.

I stayed behind everyone when they started leaving. Nakita ko pa ang bahagyang pagkunot ng noo ng ilan sakanila. I stand at the back to make sure no one is left behind. Minutes later, an announcement blasts on the speakers, repeating what I had said to the staff.

Tumingin ako sa aking likod. When I confirm that the area is now empty, I follow after the others.

Isa lang ang trabaho ko. Hindi ako p'wedeng pumalpak.

Descendants of the GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon