Chapter 11: Drachma

1.8K 109 47
                                    

KASDEYA ARGYROS' Point of View

I hold unto the golden railings while looking below. Pinanood ko ang mga demigods na nagt-training nanaman ng ganitong oras sa hapon.

This is the first time I left my temporary room today. Nag-isip ako ng paraan kung paano makatakas at napagdesisyunan kong ngayon ang pinakamagandang oras.

No one will pay attention to me dahil busy sila sa kani-kanilang ginagawa. Even the Deputy Commander and that man named Calix are busy. Hindi ko pa sila nakikita simula kahapon. Though, I'm pretty sure they'll check on me soon to hear my decision.

Well... I already made up my mind.

And my decision is for them to fuck off and leave me alone.

Ako nang magdedesisyon para sakanila dahil sila lang naman ang problema. I don't want anything that has to do with them or the gods, sila lang naman 'tong namimilit. Kailangan kong gumawa ng distansya sa pagitan namin at ng Acropolis.

Huminga ako ng malalim.

Let's get this over with.

Tumingin ako sa paligid, sinisiguradong walang nakamasid sa bawa't galaw ko bago ibalik ang tingin sa hagdan. No one is on the stairway but me, and everyone else is busy with their routinely activities. I know I'm safe. Humakbang na ako pababa sa hagdan nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Kasdeya!"

Tumigil ako sa paglapag ng isa kong paa sa hagdan. I flinch at the sudden mention of my name, hindi ko inaasahang may makakahanap sa akin ngayon.

Dahan dahan akong lumingon sa likod ko. I force out a smile when I recognize who it is. Bakit nandito ang epal na 'to? "Nephele! May problema ba?"

She eyes me as she walk closer. Tila ingat na ingat ang pag-obserba niya sa akin, mula sa mukha at pati na rin sa pagtayo ko. The girl seems different than the last time I saw her.

Parang kinikilatis niya ang buong pagkatao ko.

But her smile tells a different story. It's as friendly as ever. Gagaan ang pakiramdam ng kahit sinong masilayan ang masaya niyang ekspresyon at malawak na ngiti.

I remain cautious. Humarap ako sakanya, pinapantayan ang galak sa peke niyang ngiti. At least we have one thing in common, we are faking our smiles.

"Nandito ka lang pala— Oh, by the way, are you busy? May favor kasi kami."

My brow shots up at her question. Favor? Ganitong oras pa talaga nila napiling manghingi ng tulong sa akin. I was available earlier, cooped up in my bed while ransacking my brain, 'tas kung kailan ko na naisip lumabas at tumakas, ngayon sila mang-iistorbo?

The sheer audacity.

Gusto kong sabihin na may ginagawa ako, but I know she would ask what it is. I have no idea how I'll to answer that question, since I don't know how things go around here. Tapos magtataka pa siya kung bakit ako magiging busy eh hindi naman ako taga-rito.

Honestly, her question seems rhetorical. Is it a test for me or something? Naguguluhan ako. Malakas ang kutob kong may ulterior motive ang babaeng 'to sa pagkausap sa akin.

So, much to my dismay, I answer her truthfully. "Wala naman. What kind of favor are we talking about?"

"Ah. May training kasi ang mga Hellenes ngayon. Come with me, doon ko nalang ie-explain ang gagawin mo."

I purse my lips. Napansin siguro ni Nephele ang pag-aalinlangan ko dahil nagsalita siya muli. "Don't worry! Hindi naman delikado or mahirap ang papagawa sa'yo. Anyone can do it, we're just short on people so... hindi mo kailangang mag-alala."

Descendants of the GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon