Chapter 65: Something You Don't Know

25 1 0
                                    

Quin's POV

Unti-unti akong napapamulat ng aking mga mata, subalit napakunot naman ang aking noo nang parang nakakarinig ako ng sobrang lakas na mga sabugan at parang nagkakagulo na sa buong paligid.

Pero nabuhayan naman ako ng loob nang ang unang tao naman na bumungad sa akin ay si Rose...

Subalit bigla naman ako natigilan nang makitang may nakatusok mula sa kaniyang katawan na parang isang malaking ugat ng halaman.

"R-Rose?"

Halos hindi ako makapaniwala sa aking nakikita! Isa lamang itong panaginip! Hindi ito maaaring magkatotoo! Magigising din ako–

"I'm glad... You're awake." Halos mapaluha na ako nang makita ko siyang ngumiti pagkasabi niya nito.

No, no, no... Wag ka naman ganiyan!

Muli akong napatingin dito sa mga ugat ng halaman na nakatusok mula sa kaniyang katawan... Napakunot naman ang aking noo nang mapansin na parang pamiliyar ito sa akin.

Saglit... Ako ba gumawa nito sa kaniya?! Aking mahika ba ito?!

Agad naman akong napalingon kay Rose at nakita kong parang nanghihina na siya, kaya agad akong nataranta.

"R-Rose?! Rose!" Naluluha ko ng sabi sa kaniya.

Pinilit kong makabangon para maabot lamang siya, pero mas lalo akong natigilan nang makitang may tumagos na mga dugo mula sa kaniyang katawan!

Nakita ko naman na parang pumipikit na siya, kaya naman mas lalo akong nataranta at hindi ako mapakali sa aking nakikita!

"Rose!" Patuloy ko siyang tinatawag sa kaniyang pangalan para manatili lamang siyang gising, pero parang hindi niya ito naririnig!

Napansin ko naman na maging si Kyle naman na nasa aking gilid ay parang naistatwa na sa sobrang gulat at parang hindi siya makapaniwala sa nakikita, kaya naman agad ko siyang malakas na sinampal sa pisngi upang matauhan.

At nang bumalik na ulit siya sa kaniyang huwisyo, agad kong hinawakan yung malaking ugat ng halaman na nakatusok sa kaniyang katawan upang hilahin ito, pero hindi ko ito kakayanin mag-isa, kaya naman mabilis kong tinawag si Kyle upang tulungan ako na agad din naman niyang sinunod.

"R-Rose, huwag kang mag-alala, maililigtas ka rin namin! Unting saglit lang, at magiging maayos rin ang lahat..." Maiyak-iyak kong sinabi sa kaniya ito habang pilit naming dalawa ni Kyle inaalis sa kaniyang katawan itong nakatusok na ugat mula sa kaniya.

Pero parang ang buong paligid ay tumigil nang marinig ko siyang mahinang nagsalita.

"Thank you..."

Nakita kong may isang matamis na ngiti ang gumuhit mula sa kaniyang labi, at kasabay nito ay ang hindi ko na inaasahan na mangyari.

N-No way... This can't be happening...

"R-ROSE!!! HINDI!!!" Rinig kong malakas na hagulgol ni Kyle, pero parang naging lantay na gulay na ang aking mga tuhod at napadapa na lang ako sa sahig.

"J-Just hang in there! Mabubuhay ka, Rose!" Patuloy pa rin ni Kyle inaalis mula sa katawan ni Rose ang ugat na nakatusok mula sa kaniya kahit na parang nawawalan na kami ng pag-asa.

Why? Bakit ito nangyayari sa akin?

Bakit lahat na lang ng mahalaga para sa akin ay nawawala?

Ano bang nagawa kong mali para mangyari ito?

Bakit si Rose pa at hindi na lang ako yung nawala?

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon