Chapter 14: Second Day

62 15 1
                                    

Rose's POV

Pangalawang araw ko ng pasok ito sa Enchanted School. At ngayon ay kasalukuyang andito kaming lahat sa loob ng aming silid at naghihintay ng susunod na teacher namin.

Ilang sandali lang ay nagbukas na ang pinto ng aming silid at iniluwal nito ang aming teacher.

"Hello class!" Masiglang bati ni Ms. Falton. Siya ay si Ms. Cassandra Falton. Siya ang aming isa sa mga teachers ng Magic subject. Kumbaga, madaming mga nagtuturo sa Magic subject na mga teachers sa amin, at isa na siya doon. Pero ang kaniyang tinuturo ay about sa mga animals naman.

Nanlaki ang aming mga mata nang makitang kasabay ni Ms. Falton sa pagpasok dito ang mga samu't saring mga hayop at mga nakasunod lamang sa kaniya.

For what is this thing?!

"Okay, class, we will be having an activity today. And as you can see, I have animals that I brought today." Sabi ni Ms. Falton. "Wag kayong mag-alala, madali lang ito. Ituturo ko lang naman kung paano niyo mapapasunod ang mga hayop na nasa gilid ko. Then after that, kayo na ang bahala kung paano niyo iyon gagawin sa mga ito." Dugtong pa niya.

Gano'n lang talaga kadali?!

"Well, all you need to do is just to love them with all your heart." Sabi ni Ms. Falton.

Eh?! 'Yun lang talaga ang kailangan naming gawin? Ang dali naman.

"Now, get off to your chair and come here all of you. Pumili na kayo kung anong hayop ang gusto niyong mapasunod. You're free to choose." Sabi pa ni Ms. Falton na aming sinunod.

Tumayo na kaming lahat mula sa pagkaka-upo at lumapit sa harapan kung saan naroon yung mga hayop.

"...all you need to do is just to love them with all your heart."

Huh, sounds easy.

Nakapili na ako ng isang hayop, at ang napili ko ay isang squirrel. Aktong lalapit na ako dito, pero nagulat ako nang bigla itong tumakbo palayo sa akin. Ganun din ang nangyari sa iba kong mga kaklase.

"H-Hey!" Sabi ko bago ko ito hinabol. Pero kahit anong takbo ko palapit dito sa squirrel na ito, hindi ko ito mahabol at makuha dahil sa sobrang bilis ng takbo nito at patuloy lang din ang takbo nito palayo sa akin.

Tumigil muna ako sandali sa pagtakbo at hinabol ang aking hininga. Hingal na hingal ako at pinagpapawisan na din.

What was that?! I gave love to that squirrel and love it with all my heart. Bakit hindi ko siya mapasunod?... Wait, kailangan bang gumamit ng mahika upang mapasunod ko lamang itong squirrel na ito?

Oh, no... Paano ko magagawa yun kung wala naman akong mahika? Think of it!

"Wow! Ang galing mo naman, Quin!" Napatingin ako sa pwesto ni Quin at nakita kong nakatungtong yung ibon sa daliri niya.

"Good job, Ms. Tiara. You did great!" Sabi ni Ms. Falton kay Quin. Wow, ang galing ni Quin! Napasunod niya yung ibon.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon