Chapter 2.2: Ang Kaarawan ni Kristoff [2]

102 15 1
                                    

Kristoff's POV

"Kristoff, tara na sa entablado?" Tanong sa akin ni ama "sige po, ama." Sagot ko. Kinarga ako ni ama, bago kami umakyat na nila ama at ina sa entablado.

Nang nakatungtong na kami sa gitna ng entablado, nakita ko ang lahat ng mga magicae dito sa Villa Silvam at bakas sa kanilang mukha ang sobrang saya, kaya sobra din akong sumaya dahil sa aking nakikita ngayon.

"Magandang gabi sa inyong lahat, mga minamahal kong kapwa magicae! Kami ay sobrang nagagalak dahil sa inyong taus pusong pagmamahal at pagsuporta sa kaarawan ng aming anak na si Kristoff McKnight." Panguna ni ama sa lahat.

"Maraming salamat sa inyong lahat, dahil nag abala pa kayong lahat na paghandaan ang kaarawan ng aming anak na si Kristoff. Kung tutuusin nga, kaming pamilya 'McKnight' ay nahihiya sa inyong lahat, dahil kahit wala naman kaming iniuutos sa inyo na gawin niyo ito, ginagawa niyo pa din ito kada taon ng bukal sa inyong mga puso. Kaya maraming salamat sa inyong lahat!" Dugtong pa ni ama.

Tuwing kaarawan ko kada taon ay naghahanda at nagdidiwang ang lahat ng mga magicae sa buong Villa Silvam kahit na wala naman kaming iniuutos sa kanila na gawin iyon. Ngunit, dahil sa nakagawian na ng lahat na gawin iyon tuwing kaarawan ko, naging isang parang pista na ito isinasagawa taon-taon.

Nang natapos na sa pagsasalita si ama sa harapan ng mga magicae dito sa Villa Silvam, kinuha ni ama ang isang saro na may lamang alak at itinaas, ganun din naman ang lahat ng mga magicae.

"Mabuhay ang lahat!" masayang sigaw ni ama. "Mabuhay ang lahat!" masayang sigaw din ng lahat, bago nila ininom na ang alak na nasa saro na hawak nila ng sabay-sabay, at lahat ay nagdiwang at nagsaya na.

"Maligayang kaarawan, Kristoffer!" Nakangiting bati ulit sa akin ni ina at ama, "palagi mong tatandaan; mahal na mahal ka namin ano man ang mangyari." Sabi nila ina at ama bago nila ako hinalikan sa noo.

Aktong aalis na kami nila ina at ama sa entablado, subalit bigla na lang kami nakarinig ng isang malakas na sigaw at kasabay nito ang malakas na pagsabog na lumikha ng malaking apoy sa paligid.

"AHHHHH!!!" "ANG MGA NON-MAGICAE AY NAKAPASOK DITO SA LOOB!!!" Sigaw ng marami. Nagsigawan ang lahat at nagsitakbuhan. Bakas sa bawat isang magicae na naririto ay natatakot dahil sa biglaang pagpasok ng mga non-magicae dito sa loob ng Villa Silvam.

"Ama! Natatakot po ako!" agad akong napayakap kay ama ng mahigpit dahil sa sobrang takot.

"Wag kang mag-alala, anak! Iaalis ka namin dito!" sabi ni ama saka niya kami ni ina minadaling ialis dito sa ibabaw ng entablado at tumakbo papunta sa aming bahay.

"AHHHHH!!! TULONG!!!" Natigilan si ama sa pagtakbo habang karga ako nang marinig niya ang ilang sigawan ng mga kapwa magicae namin.

Nilingon ni ama ang mga magicae kasama ang mga non-magicae sa malayo, at nilingon din naman namin ni ina ito.

Halos manlaki ang aking mga mata dahil sa aking nakikitang pinapaslang ng mga non-magicae ang aming kapwa magicae. Ako ay mas lalong natakot dahil doon.

"Lucy, kayo na muna ni Kristoff ang mauna sa loob ng bahay, at ako ay susunod na lamang doon. Subalit kailangan kong protektahan ang mga magicae." sabi ni ama kay ina bago niya ako ibinigay agad kay ina.

"Ama!" sabi ko. Nilingon ako ni ama at ngumiti "Kristoff, anak, mahal kita. Ngunit kailangan ko munang protektahan ang mga magicae. Wag kang mag-alala, susunod ako sa bahay natin. Magpakabait ka kay ina, wag pasaway." pangaral sa akin ni ama, sabay halik niya sa aking noo at kay ina sa labi.

Tumakbo na pabalik si ama upang iligtas ang mga magicae sa mga non-magicae, at kasabay na din non ang pagtakbo ni ina habang karga ako papunta sa aming bahay.

"Ama!" Iyak ako ng iyak habang palayo ng palayo si ama sa aking paningin.

Nang makarating na kami sa aming bahay, agad na itinulak ni ina ang isang mabigat na aparador at inalis ang nakaharang na makapal na tela sa sahig at lumitaw dito ang isang pintuan.

Dali-dali ni ina binuksan ang pintuan at agad na inilagay ako sa loob nito. "Kristoff, magtago ka lang dito at huwag kang gagawa ng kahit na anong ingay. At wag ka rin lalabas dito kahit ano man ang mangyari." bilin sa akin ni ina.

Aktong isasara na ulit na sana ni ina ang pinto nito, pero bigla kong hinawakan ang kamay ni ina "saan po kayo pupunta, ina?" alalang tanong ko.

"Pupuntahan ko ang iyong ama. Hintayin mo kaming bumalik. Magtago ka lamang diyan hangga't hindi pa kami nakakabalik ng iyong ama." hinawakan ni ina ang mukha ko at hinalikan sa noo, "Kristoff, anak, mahal na mahal ka namin." saka si ina ngumiti, subalit bakas dito ang lungkot.

Hinawakan na ni ina ang pinto at isinara na ito, pero bago magsarado ng tuluyan ang pinto, nakita kong lumuha si ina.

Sobrang ingay sa labas ng aming bahay, at hanggang dito ay naririnig ko ang mga ito. Wala akong ibang naririnig kundi ang malalakas na mga sigawan at pagsabog sa buong paligid.

Naupo ako sa gilid at tinakpan ang aking magkabilang teinga upang wag kong marinig ang mga ingay na ito. Umiiyak ako habang nakupo dito sa gilid, ngunit pinilit kong huwag makagawa ng ingay dahil iyon ang bilin sa akin ni ina.

Habang tumatagal, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

*****

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon