Chapter 34: Kyle's Plan

32 13 1
                                    

Rose's POV

"Ugh...! Nakakapagod na! Gusto ko ng bumalik ulit! Ayoko na! Hindi ko na kaya pang maghanap pa! At bukod doon, nagugutom at nauuhaw na ako!" Pagmamaktol ni Avery. "Here, just shut your mouth. It's irritating." Sabi naman ni Harris sa kapatid bago may binigay na isang burger na nakabalot sa paper bag.

Yeah, kanina pa kami dito sa kagubatan at kanina pa namin hinahanap ang misteryosong bulaklak or Turquoise Flower.

Tanghali na at hindi pa din kami kumakain hanggang ngayon dahil abala kaming lahat sa paghahanap subalit kung tutuusin ay parang walang naitutulong si Avery sa amin. Puro reklamo lang siya.

"What?! Did you just tell me that I'm irritating, Kuya?!" Singhal ni Avery kay Harris. "Okay, fine. I'm sorry. I didn't meant it." Sabi naman ni Harris at ang mas ikinagulat ko ay bigla siyang naging maamo kay Avery. Kaya naman ay tumigil na din sa pagmamaktol si Avery.

Nilingon ko si Kyle at nakita kong pinagpapawisan na siya at mukhang pagod na din siya, kaya lumapit ako agad sa kaniya. "Kyle, pahinga ka kaya muna? Tapos saka na lang ulit tayo magpatuloy kapag okay ka na." Sabi ko sa kaniya. Nilingon niya ako bago ngumiti sa akin. "Sige." Umupo si Kyle sa damuhan bago nagpunas ng pawis.

"Hey! We need to find that mysterious flower! Mahirap iyon hanapin kaya hindi tayo pwedeng nagsasayang ng kahit isang oras lang!" Suway ni Harris kay Kyle nang makita niya itong naka-upo at nagpapahinga ng saglit.

"Uh, siguro makakabuti kung magpapahinga muna ng saglit dahil tanghaling tapat na at sobrang init pa. Mahirap kumilos ng ganitong sitwasyon lalo na sa kalagayan ngayon ni Kyle." Sabi ko kay Harris, pero nagulat naman ako nang sa akin naman siya biglang nagalit.

"Who the heck are you talking to, huh?! Don't you know that anytime I can turn you into ashes?! You have no right to–" nagulat ako nang biglang tumayo si Kyle mula sa pagkaka-upo at saka naman pumunta sa aking unahan. "Don't you dare touch her! Or else–" "Okay, stop it already, you two!" Nagulat kami nang biglang pumagitna si Avery sa dalawa.

"Please, not now! Mapapahamak tayo kapag itinuloy niyo 'yang binabalak niyo! Remember what Sir Kristoff told us! What if a non-magicae saw us?!" Sabi pa ni Avery.

At dahil dito, nawala na ang tension na namamagitan kay Kyle at Harris ngayon.

"At isa pa, sa tingin ko, kailangan muna natin na magpahinga dahil sobrang init nga ng paligid ngayon. At isa pa, baka mapaano pa si Kyle dahil sa kalagayan niya ngayon." Nakita kong pinasadahan ni Avery ng tingin si Kyle.

"Ugh...! Fine, if you say so." Sabi naman ni Harris bago medyo naglakad palayo at saka naman umupo sa may damuhan.

"Kyle! Are you okay? Does it hurt somewhere?" Biglang lumapit si Avery kay Kyle pero nagulat ako nang bigla rin niya akong itulak ng pasimple palayo kay Kyle.

"I'm fine." Sagot naman ni Kyle.

Bumuntong-hininga ako bago naglakad rin palayo at saka umupo rin sa damuhan sa gilid.

Pero habang ako ay nagpapahinga, bigla na lang akong may naalala. Naalala ko bigla sila Papa at Ate.

Kamusta na kaya sila? Namumuhay ba sila ng maayos ngayon? Masaya na kaya sila ngayon?

"Rose..." Napatingin ako sa aking tabi nang marinig ko ang boses ni Kyle. "Here, I know you're hungry." Sabi niya bago niya inilahad sa akin ang isang paper bag na naka-roll.

Wait, hindi pa siya nakain, diba?

"Don't worry about me, meron pa ako ditong mga pagkain." Sabi naman niya.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon