Chapter 10: I'm One Call Away

72 16 1
                                    

Rose's POV

Kasalukuyang naglalakad na kaming pareho ni Kyle sa hallway, at bitbit niya pa din ang mga gamit ko hanggang ngayon.

Sinabihan ni Sir Kristoff si Kyle na i-escort daw ako hanggang sa magiging dorm ko, kaya heto kami ngayon.

Habang naglalakad, bigla kong naalala yung tungkol sa 'magicae' at 'non-magicae' na na-mention kanina ni Sir Kristoff.

Tumingin ako kay Kyle, at mukhang desperado ito dahil sa parusa na kaniyang matatamo dahil sa kaniyang paglabag sa rules ng school na ito. Pero naisip ko na baka pwede ko naman siyang matanong kahit na paano.

"Uhhh, hey..." Nilingon niya ako, "yes?" Sabi nito. "Uhm... About dun sa na-mention kanina ni Sir Kristoff... Yung 'magicae' and 'non-magicae' thing? What does that mean?" Tanong ko.

"Ahhh, yun lang pala... Ang ibig sabihin ng 'magicae' ay 'magic.' Tawag iyon sa mga taong may mga taglay na mga mahika o kapangyarihan. At ang ibig sabihin ng 'non-magicae' naman ay 'no magic.' At yun naman ang tawag sa mga taong walang mga taglay na mga mahika o kapangyarihan." Sagot ni Kyle.

Ahhh! So now, I know!

"By the way... Talaga bang may kapangyarihan ka? Ang pagkakaalam ko kasi, sa mga fairytales lang nangyayari ang mga ganitong bagay." Sabi ko pa.

Natawa siya bigla, "no, hindi lang doon nangyayari ang mga ganitong klaseng bagay. In fact, meron rin nito sa totoong buhay. And yes, I have a power." Sagot niya, "and actually, yung kaninang nakita mong dugo sa aking kamay at noo... Tama ka, ako nga ang may gawa kaya nawala ang lahat ng mga asong-lobo sa paligid mo kanina. Sorry, I lied to you." Natigilan ako bigla.

A-Ano?... Edi ibig sabihin talaga na... Siya nga talaga ang gumawa ng lahat ng iyon?

"B-Bakit mo iyon ginawa?" Tanong ko. Huminga siya ng malalim, "kanina, pabalik na ako non sana ulit dito, galing sa pagmamasid at paglilibot sa lugar ng mga non-magicae..." "wait, so it means, lumabas ka dito para lang magmasid at maglibot sa labas ng barrier?" tanong ko sa kaniya.

"Yes, at gabi-gabi ko iyon ginagawa." Nagulat ako. "T-Teka, edi ibig sabihin na gabi-gabi mo ding nilalabag ang isa sa mga rules ng school? Bakit? Sa anong dahilan?" Tanong ko sa kaniya.

"Yun ay dahil tinitignan ko ang mga ginagawa ng mga non-magicae. Sinasa-ulo ko ang kanilang mga galaw, at maging ang kanilang mga pag-akto. Nakikisalamuha ako sa bawat isa sa kanila habang tinatago ang totoong ako. Pero sa kabila ng lahat, wala akong ibang nakuhang mga importanteng impormasyon na pwede kong makuha mula sa mga non-magicae." Sagot niya.

"Dahil silang lahat ay para lang katulad ng mga magicae. Mula sa pagkain, pag-asta, pananamit, paggalaw, at sa iba pang mga bagay ay halos magkapareho. Pero ang tanging wala lang sa kanila ay ang mahika at ang goal ng mga magicae. Sinubukan ko noon na gawing topic ang tungkol sa mga magicae sa kanila, subalit pinagtawanan lamang nila ako at sinabi na hindi daw totoo ang mga magicae. Pero kahit na ganun, hindi ako sumusuko sa paghahanap ng ibang mga importanteng impormasyon na pwedeng magamit ng lahat ng mga magicae." Dugtong niya pa.

"Ahhh! So you're like a spy, isn't it?" Sabi ko sa kaniya. "Hmmm, I think? Maybe? I guess." Sagot naman niya.

"So, about dun sa nangyari ulit kanina kung saan sinabi mo na ikaw ang gumawa kaya nawala ang mga asong-lobo sa paligid ko kanina, bakit mo iyon ginawa?" Pagbabalik ko ng tanong ko kanina sa kaniya.

"Well, diba nga sinabi ko na sa'yo na pabalik na sana ako kanina dito ulit... Pero habang naglalakad ako pabalik, bigla na lang ako nakakita ng mga asong-lobo, at sakto naman ay nakita kitang nakaupo sa sulok. Nung bigla kong nakitang dumamba na ang mga ito papunta sa'yo, wala na akong ibang nagawa kundi ang tumakbo kaagad palapit sa'yo at gamitin ang aking mahika ng hindi ko inaasahan sa labas ng barrier." Sabi niya.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon