Chapter 42: The Experiment

29 13 1
                                    

Kristoff's POV

Kasalukuyang andito ako sa isang sulok at nakaupo habang pinagmamasdan silang apat na gumagawa ng lunas o gamot. At syempre, nasa akin pa din ang pagkontrol nitong squirrel ni Ms. Aneston.

Alam kong dapat unahin nila ang paghahanap sa misteryosong bulaklak agad, dahil hindi rin magtatagal ang binigay kong lunas kay mr. Krueger para sa kaniyang malalim na sugat sa likod. Pero... Naiintindihan ko rin na kailangan din nilang tulungan yung matandang babae na kanilang nakilala.

Siguro kahit ako ang nasa kanilang sitwasyon ngayon, gagawin ko rin ang kanilang ginagawa. Oo, mahirap. Kahit ako mahihirapan dito. Mahirap ang ganitong sitwasyon, dahil hindi mo pwedeng pagsabayin ang dalawang bagay. Dahil kailangan mong iwan yung isa at unahin naman yung isa pa.

Pero sa sitwasyon nila ngayon, ang bagay na kanilang kinakaharap ngayon ay parehong importante na kailangan gawan ng paraan.

Pero as I recall, ang misyon na pinapagawa ko lang sa kanila ay ang paghahanap sa misteryosong bulaklak. I can't believe na sa kanilang misyon ay may mangyayari na ganito.

Bigla na lamang ako napangiti sa kawalan.

Ahhh~ those feelings... I'm so glad. Hindi ko akalain na tutulong din sila sa kalagitnaan ng kanilang misyon. Hindi nila inisip ang kanilang mga sarili sapagkat mas pinili nilang makatulong muna sa ibang tao na mas nangangailangan ng tulong. Anyway, magicae or non-magicae, everyone should help each others no matter what your status is.

"Hey! What do you think you're doing?!" Nagulat ako nang makitang pinaghahalo ni Harris ang dalawang substance na hindi dapat ipaghalo! Aktong pipigilan na nila si Harris, pero huli na ang lahat!

Pagkalagay ni Harris ng ethanol doon sa may laman na bote na kaniyang hawak bigla na lamang nabasag yung bote kasabay ng pagliyab ng isang apoy.

"Experiment." Kalmadong sagot naman ni Harris. "Seriously?! Hindi mo ba natatandaan yung mga tinuro noon ni Professor Gregor? Are you even listening that time?!" Singhal ni Mr. Krueger sa kaniya.

Actually, it's already his tenth time na nagkakamali na si mr. Jackson sa kanilang ginagawa na experiment na gamot. I know that making medicines is difficult. Pero yung mga basics na bawal ipaghalo na mga substance... He's still doing it. And as I know, tinuro ni Seff sa kanilang lahat ang mga basics na ito.

They're not same in the class, but they all have the same teachers, and of course, same in lessons as well.

"It's none of your business." Walang ganang sagot naman ulit ni Mr. Jackson bago inalis yung apoy sa table nila at inayos naman yung mga bubog sa sahig.

"What?! None of my–" "Hayaan mo na siya, Kyle. Masanay ka na. Ganiyan talaga si Kuya sa ibang tao." Sabi ni Avery kay Mr. Krueger na sinunod niya rin naman.

"Uhm... Shall we continue? Wala na tayong sapat na oras pa. Hating-gabi na at hindi pa natin naper-perfect yung gamot." Said Ms. Aneston. "Ah, right."

Nagpatuloy na ulit sila sa kanilang ginagawa. Pero habang pinapanood ko sila, napansin kong parang may kulang.

Pero sa kalagitnaan ng kanilang paggawa ng gamot, napansin ko yung isang kamay na nakalagay sa likod ni mr. Jackson ay mayroong maliit na kumikislap na kulay asul na apoy sa kaniyang palad, at mukhang gumagawa siya ng isang hugis bulaklak na gawa sa apoy.

Haysss, talagang matigas ang ulo nitong si mr. Jackson. Sabing ang mahika ay hindi pwede gamitin sa labas ng barrier pero patuloy pa din!

Tumayo ako sa gilid bago huminga ng malalim.

Nakita kong natapos nang gawin ni mr. Jackson yung paggawa ng bulaklak, at yung kanina na gawa pa ito apoy, ngayon ay totoong bulaklak na ito.

Yup, he's good at doing tricks with his magic. Pero dahil nilabag niya pa din yung isa sa mga rules ng school, he will receive a punishment.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon