Chapter 15: One On One [Part 1]

71 15 1
                                    

Rose's POV

Kasalukuyang andito kaming lahat sa loob ng gym. Pati yung mga taga-ibang section ay andito din. Sobrang dami namin dito sa loob.

Actually, napilitan lang talaga akong pumunta dito sa gym.

Kinakabahan ako habang nililibot ko ang aking tingin sa paligid. Lahat sila na andito ay may mga taglay na mga mahika, at tanging ako lamang ang wala. Ano na lamang ang kanilang gagawin kapag nalaman nila ang totoo tungkol sa akin? Kapag nalaman nilang wala akong mahika?

Natigilan ako nang bigla kong maramdaman na may humawak sa aking kamay. Napatingin ako dito bago ako tumingin kay Quin na ngayo'y nakahawak sa aking kamay.

Matamis siyang ngumiti sa akin at 'yon ang naging dahilan kaya mas lalo pang gumaan ang aking pakiramdam sa kaniya at medyo nawala ang aking kaba.

Tumahimik ang buong paligid nang magbukas ang pinto nitong gym at iniluwal nito si Professor Dominate. Naglakad siya hanggang sa makarating siya sa gitna, at may binuklat siyang isang libro.

"All the pairs of names that I will call for now, that will be your first opponent. And I'm pretty sure na malinaw kong sinabi sa inyong lahat ang tungkol dito, so I don't need to repeat all those stuffs again." Sabi ni Professor Dominate. "Each one of you will be having a pair, so listen carefully." Dugtong pa ni Professor Dominate.

"Starting in section A..." Binanggit na ni Professor Dominate yung mga pangalan ng magiging pair ng bawat isa nung mga estudyante ng section A.

Mga ilang minuto din ang kinain ng oras bago natapos si Professor Dominate sa pagbabanggit ng mga pangalan sa section A.

At ang sumunod, ang section B. And that is our section.

"And now, section B..."

Oh, gosh... Please don't call my name! I'm begging you! I don't wanna–

"Ms. Alzward..." Rinig kong banggit ni Professor Dominate.

Whew! That was too clos–

"...and your opponent will be Ms. Aneston."

Natigilan ako... Halos hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan!

I'm already done!

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko ngayon. Ngayon na may kailangan akong kaharapin, hindi ko na alam kung makakalabas pa ba ako dito sa loob ng gym ng buhay pa o hindi na.

"Hey, Rose. Don't be afraid." Napatingin ako sa katabi kong si Kyle. Ngumiti siya sa akin, "we're always here for you. We won't leave you. We won't let something bad might happen to you. So you don't need to be afraid. Okay?" Aniya.

Dahil sa kaniyang ginawa, nawala na lang bigla yung kaba na aking nararamdaman.

Ngumiti ako, "okay!" sagot ko naman. Ngumiti siya, bago niya tinap yung ulo ko.

"And now, for ms..." Patuloy lang si Professor Dominate sa kaniyang pagbanggit ng mga pangalan ng iba at ng magiging opponent nito.

Halos kalahating oras din tumagal si Professor Dominate bago siya matapos sa pagtatawag lamang ng mga pangalan ng bawat isa sa amin, at dahil iyon sa maraming mga iba't ibang mga section ang andito ngayon sa loob.

Well, sobrang laki naman nitong gym, kaya kahit na sobrang dami naming mga estudyante na andito ngayon sa loob, kasiya kami at hindi kami nagsisiksikan. Ang laki pa nga ng space sa gitna namin eh.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon