Chapter 32: The Punishment

39 13 1
                                    

Rose's POV

"Rose, diyan ka lang! Wag kang lalapit dito!"

A-Ano? Nabasa niya ang iniisip ko?

Paano na ito? Ano ang dapat kong gawin?!

"HAAAAA!!!"

Hindi!!!

"TUMIGIL KAYO!"

Nagulat kaming lahat nang makarinig kami ng sobrang lakas na boses ng isang babae.

Biglang natigilan sila Kyle at Harris maging kami nang biglang may pumaikot sa kanilang dalawa na tubig hanggang sa maging isa itong malaking bola ng tubig na kung saan ay nakulong silang pareho sa loob nito.

Nang lingunin namin kung sino ang may kagagawan nito, nakita namin na parehong nakatayo mula sa malayo sila Professor Dominate at Ms. Falton.

Kahit nasa malayo pa lamang sila ay kita na hanggang dito ang mga galit nilang mga mukha.

"Paalisin niyo ako dito!" Sigaw ni Harris mula sa loob ng lumulutang na bolang tubig.

"Kayong dalawa! Mr. Krueger at Mr. Jackson, sumama kayo sa'min!" Galit na sigaw ni Professor Dominate bago niya pinasunod ang dalawang bolang tubig sa kaniya na kung saan andun silang dalawa ni Harris at Kyle.

Saglit... Hindi pwedeng sila lang yung dapat pagsabihan! Ako ang dapat nasa sitwasyon nila ngayon dahil ako ang may kagagawan ng lahat ng ito kaya nangyari ang mga ito!

"T-Teka lang po–!"

"Wait!"

Bigla naman kaming natigilan nang magkasabay kami sa pagtawag ni Avery kina Professor Dominate at Ms. Falton na papasok nang muli sa loob ng building.

Nakita ko naman na nilingon kami ni Ms. Falton, "what is it?"

"Isama niyo po–"

"Isama niyo siya! Siya ang nagsimula ng lahat ng ito! Hindi niyo kailangan na idamay pa ang kuya ko! Iniligtas lang ako ng kuya ko diyan sa babaeng iyan!" Nagulat ako nang bigla akong ituro ni Avery kay Ms. Falton.

"Oh? Is that so?"

Bigla akong nakaramdam ng takot nang makitang tumingin sa aking mga mata si Ms. Falton. Pakiramdam ko may mangyayaring masama sa akin.

Well, deserve ko naman na mangyari sa akin yun. Puro kapahamakan naman ang dala ko sa tao, eh.

"Ms. Aneston, kailangan mo rin sumama sa amin..."

Napayuko na lamang ako ng aking ulo, "yes, ms. Falton." I answered with a low voice.

"Huh, serves you right." Rinig kong sabi ni Avery, pero hindi ko na lamang ito pinansin.

"Oh, right, and you too Ms. Jackson, sumama ka rin sa amin." Dugtong pa ni Ms. Falton.

"Huh?! What?! Why?!" "You're not coming?" Sabi ni Ms. Falton kay Avery. "Definitely no! Why would I come? Wala naman akong kinalaman diyan!" Singhal ni Avery bago siya tumalikod na at nagsimula nang maglakad palayo pero nagulat ako nang may narinig akong tunog ng agila mula sa itaas. At nang tumingala ako, nakakita nga ako ng dalawang agila na lumilipad at patungo kay Avery ang direksiyon nito.

"It's not a good manners to speak up to your elders like that." Rinig kong sambit ni Ms. Falton, at sakto rin naman ay nakita kong kinuha ng dalawang agila si Avery sa magkabilang braso nito.

"Huh?! Let go of me!" Pilit na nagpupumiglas si Avery, subalit masyadong mahigpit ang pagkakahawak ng dalawang agila sa mga braso ni Avery kaya kahit na anong gawin niya ay hindi niya pa rin maalis ang mga ito sa kaniya.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon