Chapter 11: The Yin Yang Siblings

84 16 1
                                    

Rose's POV

[Kinaumagahan]

Nagmulat na ako ng aking mga mata, at ang unang bumungad sa akin ay ang isang kulay puting kisame.

Umupo ako at kinusot ang aking mga mata. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at ngayon ko lang napagtanto na andito pa nga pala ako sa lugar kung saan ako dinala ni Kyle.

Habang natutulala ako sa aking mga naaalala at hindi makapaniwala dahil sa mga nangyari kagabi, bigla na lang akong may naamoy na masarap na pagkain.

Tumingin ako sa kusina, at may nakita akong isang babae na nakatalikod mula sa akin habang ito ay nagluluto.

Nakita kong napalingon siya sa akin at nang makita niya ako, biglang nagliwanag ang kaniyang mukha. "Ah! Gising ka na pala!" Bati niya sa akin ngunit hindi ako sumagot.

Nagtatakang tinitigan ko siya, ngunit tinawanan niya lang ako.

Wait... Eto ba yung sinasabi ni Kyle na makakasama ko dito sa kwarto na ito?

"You look so cute." Sabi niya. Natigilan ako nang makitang matamis siyang ngumiti sa akin. May maamo at magandang kutis siya ng balat, black and long hair, have a brown eyes, at para pa siyang isang anghel dahil sa kaniyang kagandahan.

What is she? An angel?

"Oh, hey, I bet you're hungry. Why don't you come here and eat?" Sabi niya. Tumayo na lang ako at umupo sa may dining table.

Halos kumalam ang aking tiyan dahil sa aking mga nakitang pagkain na mga nakahain sa aking harapan.

Nakita ko siyang kinuha na yung pan at inilagay na sa isang plato yung pagkain na kaniyang niluto, bago niya ito inilagay sa mesa.

Umupo siya sa aking harapan, "hey, tikman mo 'yan. I'm sure na magugustuhan mo 'yan." Sabi niya bago niya tinuro yung omelette na kaniyang niluto. "O-Okay." Sabi ko bago ako kumuha ng isa at tumikim.

Nanlaki ang aking mga mata nang malasahan ko ito ng sobrang sarap. "Wow! Ang sarap naman nito!" Sabi ko "thanks... Oh, kain ka pa. Ang dami pang mga pagkain." Sabi niya na agad kong sinunod.

Habang patuloy lamang ako sa aking pagkain, napansin ko siyang hindi kumakain at nasisiyahan lamang sa kaniyang pagtitig sa akin.

Tumigil ako at tumingin sa kaniya. "Bakit hindi ka kumakain?" Tanong ko. "Nope, I'm full. Niluto ko 'yan lahat para sayo lang." Sabi niya bago pa siya ngumiti. "So, you're Rose, isn't?" Dugtong niya pa.

W-Wait... How did she...

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko sa kaniya. "Sir Kristoff told me everything about you. Maliban nga lang sa ibang mga stuff about you." Sagot niya.

"Oh, hey, so how old are you?" Dugtong niya pa. "I'm already eighteen." Sagot ko naman. "Wow! So we're in the same age!" Sabi niya.

"I'm Quin Tiara. Just call me Quin. And also, ako ang iyong makakasama dito sa kwarto na ito." Sabi niya bago niya inilahad sa akin ang kaniyang kamay, at agad ko rin naman itong inabot.

So, siya nga talaga ang magiging ka-dorm ko.

"And by the way, my quirk is plants..." Pagkasabi niya nito, nakita ko siyang itinaas ang kaniyang kaliwang kamay at nagulat ako nang may mga halaman na pumasok dito sa loob mula sa bintana. Halos matigilan ako sa aking nakikita ngayon.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon