Chapter 45: Bye!!!

57 13 1
                                    

Rose's POV

"Kyle!" Masayang sambit ni Avery bago nagmadaling lumapit kay Kyle at saka niya ito niyakap ng mahigpit.

Natutuwa akong gising na siya ngayon, at napansin kong maging sila Lola Carmelita ay natutuwa rin sa paggising niya.

"W-What happened?" Naguguluhang tanong ni Kyle sa amin.

---

Matapos ang ilang minuto ay naikuwento ko na ng buo sa kaniya ang mga nangyari sa kaniya simula nung siya ay nawalan ng malay, at mukha naman naunawaan naman niya ang lahat ng iyon. Subalit batid ko na medyo nagulat rin siya dahil sa kaniyang mga narinig.

"I'm sorry for worrying about me." Aniya bago pa siya yumuko.

"What are you talking about?! There's no need for you to apology." Sabi naman ni Avery sa kaniya. "But still..." Hindi na natapos ni Kyle ang kaniyang sasabihin nang lumapit na sa kaniya si Harris at nagsalita, "you idiot! None of this matter right now. What you have to think right now is that you're already saved!"

Natulala naman si Kyle nang sabihin ito ni Harris sa kaniya. Mukha kasing hindi siya makapaniwala na sasabihin ito sa kaniya ni Harris.

Kahit ako, ganun din ang naramdaman ko. Kung susuriin mo kasi talaga yung sinabi ni Harris kay Kyle, mapapansin mong nag-aalala ito sa kaniya.

"Are you... Are you worried about me?" Tanong ni Kyle kay Harris.

"H-Huh?! Worried?! Sa'yo?!" Saka pa tumawa ng malakas si Harris. Pero agad rin naman siyang tumigil at sumeryoso muli ang mga mata. "No." Matigas na sagot pa ni Harris bago tumalikod na mula sa kaniya at umalis na sa kaniyang harapan.

Lumapit naman sa kaniya si Lolo Heinz bago nito inilahad ang kamay sa kaniya, "ayos ka na ba? Kaya mo na bang tumayo?" Ngiti ni Lolo Heinz kay Kyle.

Ngumiti naman si Kyle pabalik. Tumango siya, "opo." Sagot niya bago niya inabot na ang kamay ni Lolo Heinz at saka tumayo na.

Napangiti naman ako sa tuwa nang makitang mukhang medyo bumubuti na ang kalagayan ni Kyle ngayon. Alam kong ang hirap paniwalaan na mabilis ang paghilom ng sugat ni Kyle, pero hindi na iyon importante ngayon. What's important right now is that nagawa na namin ang mission namin dito at ginaling na ang kaniyang sugat.

"But... Now that I think about it, saan nakita yung misteryosong... Ah... Yung Turquoise Flower?" Biglang tanong ni Kyle.

Oo nga noh... Saan yun nakita ni Richie kanina? Eh samantalang kami, hirap na hirap na kami sa paghahanap para lang sa bulaklak na yun.

"Uhm, simula po nung makita ko po yung nagyari po sa iyo kanina, at kung gaano kalala yung sugat mo po, nalaman ko na po agad kung ano po ang dapat na lunas para diyan. At sakto naman po ay mayroon po akong napitas na isang ganiyan nung nakaraang araw po habang naghahanap po ako ng mga halamang-gamot para po kay Lola Carmelita."

What?! Nalaman kaagad ni Richie kung ano ang dapat na lunas para kay Kyle sa ganun kaikling oras lamang?

Nakita kong ngumiti si Kyle kay Richie dahil sa tuwa, "salamat, Richie..." aktong may sasabihin pa sana si Kyle, pero bigla kaming apat natigilan nang biglang may lumutang na kulay berde na bola na gawa sa glass sa harapan namin.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon