Chapter 55: The Yin Yang Pendant

34 10 0
                                    

Rose's POV

Q-Quin?!

"Did you miss me?" Sabi niya bago pa siya ngumiti.

Napatakip ako sa aking bibig dahil sa sobrang pagkagulat. Hindi ko naman namalayan na lumuluha na rin pala ako.

At dahil sa hindi ko na napigilan ang aking sarili, agad na akong tumakbo palapit sa kaniya at saka ko siya dinambahan at niyakap.

"OH! Nagulat naman ako dun!" Rinig kong sabi pa niya, pero ako ay umiiyak pa din habang nakayakap sa kaniya.

"Ano ba yan! Napaka-OA mo naman! Parang isang araw lang akong nawala, grabe ka na kung mag-drama!" Sabi pa ni Quin sabay kalas sa akin mula sa pagkakayakap.

At nang hinarap niya ako sa kaniya ay agad ko siyang tinignan sa kaniyang mga mata. "Saan ka ba nagpunta, ha?! Pinag-alala mo kaming mga kaibigan mo dito ng husto!" Sabi ko.

Medyo natawa naman siya kaya mas lalo akong na-badtrip. "Haha! You really missed me! So, how was it? Hinanap niyo ba ako sa buong school? Naglagay na ba kayo ng missing poster ko?" Aniya.

Ugh! Mukha bang biro lang ang lahat ng ito sa kaniya?!

"Hahaha! At syempre, joke lang yun! Hahaha!" Dugtong niya pa sabay akbay sa akin. "Sorry, I made you worry about me... So, please don't get mad at me anymore." Sabi niya saka pa siya nanlambing sa akin.

"Look, I'm totally fine! See? Buong-buo pa ang katawan ko, plus! Maganda pa ang itsura ng pagmumukha ko!" Dugtong niya pa saka pa niya pinagmalaki sa akin ang makinis at maganda niyang mukha.

Fine, fine... Alam ko ng maganda ka, kaya hindi mo na kailangan pang ipagmalaki yan sa akin. My skin is nothing compared to her.

At dahil kaibigan ko siya at sa ginawa niyang iyon, mas napabilis ang paggaan muli ng loob ko at umepekto naman agad yung paglalambing niyang iyon sa akin.

Bumuntong-hininga ako at saka muling tumingin sa kaniya, "alam mo, kung hindi ka pa namin nakita ngayong araw na ito, kikilos na talaga kami bukas na mismo para hanapin ka. Grabe kaya ang pag-aalala namin sa iyo!' Sabi ko.

"Awww, you're so sweet! I can't believe that you're actually going to that for me..." Medyo natigilan naman si Quin sa kaniyang pagbibiro nang makita niyang seryoso na akong nakatingin sa kaniya.

"Haha, you know I'm just joking... Pero hindi na iyon mauulit pa, promise!" Dugtong niya pa.

"Talagang hindi na! Dahil ikukulong na kita sa mga kamay ko para kahit saan ka man magpunta, andun din ako kasama mo!" Sabi ko naman.

"Eh?! Seryoso? Edi kahit magpunta ako sa banyo para maligo or what, andun ka din?!" Gulat niyang tanong.

Natigilan naman ako bigla, "e-exempted yun!" Sabi ko naman.

Pero sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ni Quin ay bigla kong naalala yung sinabi nung kambal sa akin kanina, "ah! I should call Lian and Lin... Sabi kasi nila sa akin kanina na balitaan ko sila agad kapag nakita na kita..."

Aktong tatayo na ako, subalit bigla naman akong pinigilan ni Quin, "i-surprise na lang natin sila bukas." Ngiti niya. "Uhm, pero baka kasi..." "you don't have to worry about anything, ano man ang mangyari, ako ang bahala." Sabi niya.

Haysss...

"Fine, okay." Sagot ko na lang.

At naalala ko rin naman agad na may magaganap pala bukas ng gabi dito sa school, "ah! Quin, alam mo na ba yung mangyayari bukas ng gabi? Yung in-announce kanina?" Tanong ko.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon