Chapter 41: The Reason

25 13 1
                                    

Author's Note:

Hello again! Are you guys doing well today? Always stay safe and healthy, okay?

And yeah, I know some of you can't hold their temper. But I still ask for your patience. Please understand my situation as well. And for those who have patience, I am very thankful to all of you. You have my gratitude. But still, I sincerely apologize to all of you for my late updates.

Hope you enjoy reading!✨

@Snow_In_April

***

Rose's POV

Kasalukuyan kaming lahat ay naglilinis ng paligid. Subalit ang hindi masyadong nagpapakahirap na maglinis sa aming apat ay si Harris.

Yup. HIM again.

"Hoy! Salo!" Napatingin ako kay Kyle nang bigla siyang may inihagis kay Harris na walis pati tambo. Nagulat naman si Harris nang makita niya ang lumilipad na walis at tambo papunta sa kaniya, pero luckily, nasalo niya ito.

"What the hell?! Anong nasa isip mo at ginawa mo yun sa'kin?! Paano kung mapahamak ako ng dahil diyan sa ginawa mo?! What if kung hindi ko nasalo ang mga ito, huh?!" Inis na sabi ni Harris bago niya pa winagayway ang kaniyang hawak sa harapan ni Kyle.

"I told you to catch that, didn't I? And anong masama dun? Nasalo mo naman, so it's not a problem." Kalmadong sagot ni Kyle bago siya nagpunas na ng mga gamit na may mga makakapal na alikabok.

"Not a problem?! Wow! Iba ka din–" "Sige na, maglinis ka na. Walisan mo na yung sahig." Putol naman ni Kyle sa sinasabi ni Harris. "But I'm already done! Naayos ko na yung mga gamit." "That's not enough. Hangga't hindi pa linis ang lahat, walang titigil sa paglilinis." Putol na naman ni Kyle sa sinasabi ni Harris.

"Ugh!... F-Fine! Happy now?!" Sabi ni Harris bago inayos na ang hawak sa walis, at saka siya nagsimula na rin magwalis ng sahig.

Napalingon naman ako doon sa malaking maleta na nakatumba. At naalala ko na pupuntahan ko nga pala dapat ito kanina.

Nilapitan ko na yung maleta bago lumuhod sa harapan nito para buksan ito. Pero pinunasan ko muna ito bago ko ito buksan para mawala ang makapal na alikabok na andito.

"Hey, what's that?" Rinig kong sabi ni Avery nang lumapit siya sa akin. "Hindi ko pa alam. Bubuksan ko pa lang." Sagot ko naman.

"Hmmm, I wonder what's inside... But maybe, it's a treasure full of money and golds!" Nagulat ako nang biglang lumuhod si Avery sa tabi ko bago hinila yung maleta at saka niya ito binuksan.

Subalit nang mabuksan niya na ito, bigla naman siyang natulala sa nakita.

Well, it's just a simple laboratory coats, gloves, and goggles.

Actually I expect more like this. I didn't think for something treasures or what.

"What? It isn't money and golds?" Hindi makapaniwalang sabi ni Avery.

"Hey, anong nangyayari dito? Anong meron?" Rinig kong sabi naman ni Harris, at napansin kong pareho na silang dalawa ni Kyle ang lumapit sa amin.

"I thought... Magkakaroon na ako ng maraming pera..." Dugtong pa ni Avery habang tulala sa kawalan.

"What's with her?" Tanong sa akin ni Kyle. Subalit imbes na sumagot ay tinuro ko yung kaharap namin na maleta na nakabukas at kita ang mga laman nito.

Nang tingnan ito ni Kyle ay biglang nagliwanag ang kaniyang mukha, "woah! Nice! I didn't expect that there would have something like this! We're lucky to have these! It can help us! We can use this!" Sabi niya saka niya kinuha ang mga ito at ngayon ko lang napansin na apat ang bawat isa ng mga nito.

"Oho~ At sakto pa talaga sa ating lahat! At isa pa, malinis ang bawat isa ng mga ito! Mukhang hindi pa nagagamit ang mga ito!" Dugtong niya pa.

Tumayo na ako saka pinagpagan ang aking tuhod. Tinulungan na din naman ni Harris ang kaniyang kapatid na tumayo bago pinagpagan din ang mga tuhod nito.

"Hey, alam ko ang iniisip mo, okay? Pero kasi minsan, kailangan mo pa din tanggapin kung ano ang katotohanan. Hindi ka din dapat umasa ng napakalaki sa isang bagay na hindi mo pa naman nakikita o nalalaman. Kasi minsan, kapag lumabas na kung ano ba talaga ang meron sa bagay na yun, baka mahulog ka lang mula sa itaas." Paliwanag ni Harris kay Avery. Pero mukhang medyo nainis si Avery nang marinig niya ito sa kaniyang kapatid. "Ano ba, Kuya? Are you mocking me?" Sabi ni Avery.

"Huh? No! Why would I do that?" Sabi naman ni Harris pero inirapan lang siya ni Avery bago umalis sa kaniyang harapan.

Wait, kahit ako naman, wala akong nakitang mali sa sinabi ni Harris sa kaniyang kapatid.

Napansin kong tumingin si Harris kay Kyle, at nang tingnan ko si Kyle na aking katabi ngayon, nakita kong tinanguan niya lang ito.

Nag-uusap ba sila gamit lang ang pagtitinginan?

At ngayon ay nakita kong tumalikod na si Harris mula sa amin bago pinigilan si Avery. "Wait..."

Tumigil naman si Avery bago inis na hinarap si Harris, "Ugh! Ano ba 'yon–?!" pero natigilan din naman siyang bigla nang may inilabas na gintong kwintas na may kulay red na gem sa gitna ang kaniyang kapatid at inilahad ito sa kaniya.

"For you..." Sabi ni Harris. "H-Huh? Para sa akin? B-Bakit–" "Wag nang maraming tanong." Medyo iritadong sabi ni Harris bago siya pumunta sa likod ni Avery.

Looks like hindi siya sanay sa mga masyadong marami ang sinasabi o pinapaliwanag.

Nilingon ko si Kyle at tinignan ko siya sa mata niya na para bang sinasabi ko sa kaniya na "may kinalaman ka ba dito? Ano yung pinag-usapan niyo ni Harris kanina sa eye-to-eye contact niyo?"

Well, if I am correct that he can read what's on my mind, then he can answer my question to him.

Tinignan ako ni Kyle at nakita kong para siyang medyo nagtaka nang tinititigan ko lamang siya sa mata niya.

C'mon! Answer me!

"May problema ba?" Aniya na ikinasira ng titig ko sa kaniyang mga mata.

Ugh! Really?!

Napa-poker face na lang ako bigla bago inalis ang titig ko sa kaniya.

Bakit hindi ka sumagot, huh?!

At ngayon ay nakita kong inilagay na ni Harris ang kwintas sa leeg ni Avery, at dahil sa sobrang tuwa niya, agad niyang niyakap ng mahigpit si Harris "thank you, Kuya! Thank you very much! Iingatan ko talaga ito!" Masayang sabi ni Avery. At ayon sa aking nakikita ngayon, mukhang natulala na si Harris nang gawin ito sa kaniya ni Avery.

Pero nagulat naman ako nang biglang malakas na pumalakpak ng dalawang beses si Kyle.

Seriously! Sinira niya yung mood nila!!!

"Oh, sige na! Tapos na tayo sa paglilinis! Kaya magsisimula na tayo! Bilis! Wala na tayong sapat na oras! Hindi tayo dapat mag-aksaya ng kahit isang segundo! Kilos na!" Sabi ni Kyle bago niya binigay sa aming tatlo yung lab coats, gloves at goggles.

Nakita kong medyo nainis si Harris dahil sa ginawa ni Kyle, pero hindi niya na lamang ito pinansin pa.

Sinuot ko na yung lab coat sa aking katawan, yung gloves sa aking kamay at goggles sa aking mga mata bilang proteksiyon.

Pagkatapos, kinuha ko na yung mga halamang-gamot na nakalagay sa lalagyan at saka ito ipinatong sa isang malaki at malapad na table na paggagawan namin ng gamot. Ni-ready naman ni Kyle yung mga bote, si Avery sa pagsaksak ng mga wire sa saksakan, at si Harris naman sa mga makina.

Medyo kinakabahan ako sa magiging resulta ng gagawin naming gamot dahil kami mismo ang unang gagawa ng ganitong klaseng gamot. Pero para kay Lola Carmelita, at kay Richie pati sa kaniyang asawa na si Lolo Heinz, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para mailigtas lamang ang kaniyang buhay.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon