Chapter 23: Quin's Side Story [Part 2]

70 14 3
                                    

Quin's POV

"Kailangan mong tumira sa apartment ko."

Natigilan ako bigla nang marinig ito.

"Ha?" Baka kasi mali lang yung pagkakarinig ko. "Ang sabi ko, kailangan mong tumira sa apartment ko." Pag-uulit niya.

No, he must be crazy. Hindi ito pwede. "Ano naman ang pumasok sa isip mo at–" "diba gusto mong suklian yung ginawa ko sa'yo? Then yun ang kapalit." A-Ano?!

"Pero–" "ano, papayag ka ba o hindi? Kasi kung hindi, hindi mo ako masusuklian sa mga ginawa ko sa'yo." Ugh... Ano bang naisip niya at gusto niya akong patirahin sa apartment niya? At paano ko din naman siya masusuklian kung titira ako sa apartment niya? Dagdag pahirap lang ako kapag napatira ako sa apartment niya.

"Ano, ayaw mo ba?... Sige, ikaw bahala... It's your choice anyway." Tumayo na siya at nagsimulang maglakad palayo sa akin.

Ugh...! What is his deal?!

"U-Uhm...!" Nakita kong tumigil siya sa paglalakad bago niya ako nilingon ng may malapad na ngisi sa labi. "Hmmm? May sasabihin ka ba?" Tanong niya sa nakakapangloko na tono.

Ayoko man, pero para masuklian ko siya sa ginawa niya, gagawin ko ito. "S-Sige na... Titira na ako sa apartment mo." Sabi ko bago ako nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Oho~ there you have it!... Okay! Wala ng bawian 'yan! Tara na." Nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa kamay bago naglakad papasok sa building.

Pero bago kami makapasok sa loob, hinarang naman kami ng guard. "Don't worry, manong guard, kasama ko siya." Sabi nitong lalaki kaya tumabi na ulit yung guard at nakapasok na kaming pareho sa loob ng building.

Pumasok kami sa isang elevator kung hindi ako nagkakamali, at nang makarating na kami sa 4th floor, nagbukas na ito, saka naman kami lumabas na ng elevator.

Habang naglalakad ay marami akong nakikitang mga pintuan sa gilid na may mga number dito.

Tumigil kami sa isang pintuan na may number na '223'. Binuksan nitong lalaki yung pintuan pagkatapos ay muli niyang hinawakan ang aking kamay at pumasok kami pareho sa loob.

"Uhm... Sorry kung medyo magulo pa dito. Hindi pa kasi ako nakakapaglinis eh." Sabi niya. Nilibot ko ang aking tingin sa paligid at nakita kong malaki-laki rin naman itong lugar. At aaminin kong masyado pa itong malaki para sa isang tao lang.

Maayos naman tignan itong lugar, pero may mga ilan sa mga gamit dito na nakakalat. Pero ayos na din.

"Uhhh, salamat talaga. Hindi ko alam kung makakatulong itong pagtira ko sa apartment mo sa pagsukli ko sa lahat ng mga ginawa mo para sa akin, at baka makadagdag lang ako sa pahirap sa'yo... Pero gagawin ko ang lahat para magawa kong masuklian ka at makatulong dito habang nakatira pa ako dito." Sabi ko.

Nakita kong lumapit siya sa akin bago hinawakan ang magkabila kong braso. "Wag mo munang isipin kung paano mo ako masusuklian sa ngayon. Ang importante ay may lugar kang matutuluyan at may makakain ka dito. At wag mo ring isipin na makakadagdag ka sa pahirap sa'kin dito, dahil simula ngayon, dito ka na rin maninirahan. Feel free to do whatever you like. Pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo." Sabi niya bago pa siya ngumiti.

Bago pa lang ako magsalita muli, nagsalita agad ulit siya "uhm... by the way, maligo ka na pala. Andun yung banyo..." Bago niya tinuro sa akin yung banyo sa medyo dulo. "Ay! Oo nga pala, kailangan mo ng damit... Wait lang."

Umalis siya sa harapan ko pero ilang sandali lang ay may dala na siyang damit nang bumalik siya sa kinatatayuan ko. "Panlalaki yang damit at sa tingin ko medyo malaki pa yan sa'yo. Pasensya na, wala kasi akong ibang damit na maibibigay ko sa'yo sa ngayon. Ako lang kasi ang nakatira dito kaya ganun." Sabi niya bago niya binigay sa akin yung damit.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon