Chapter 16: One On One [Part 2]

62 15 2
                                    

Rose's POV

"Now, the two of you... Shake your hands before we start." Sabi ni Professor Dominate sa aming dalawa.

Lumapit kaming dalawa sa isa't isa at bago rin namin hinawakan ang kamay ng isa't isa.

Pero nagulat ako nang bigla ko na lang naramdaman na humigpit ang hawak niya sa aking kamay. Tinignan ko siya pero nagtaka ako nang makitang hindi siya nakatingin sa akin pero parang may bigla siyang naaalala ngayon na hindi ko alam.

"Uhhh... Actually, pwede na kayong magbitaw ng kamay..." Rinig kong sabi ni Professor Dominate. Pero hindi pa din bumibitaw itong babae na ito sa aking kamay.

"Uhm... May problema ba?" Tanong ko naman doon sa babae na nasa harapan ko. Good thing ay bigla na lang siyang bumalik sa huwisyo ulit, at agad niya na rin inalis ang kaniyang kamay sa akin. "U-Uhhh... S-Sorry, may naalala lang." Sabi niya.

Huh?... Actually, it's weird. But never mind.

"That's okay." Sabi ko naman. "By the way, I'm Elaine Alzward. And I will be your opponent. I'm looking forward to you!" Sabi niya bago pa siya ngumiti pero parang may pait sa ngiti niya. Pero hindi ko na muna iyon pinansin.

"Then I'm Rose Aneston. I'm looking forward to you too!" Sabi ko rin naman.

"So, now... Get ready." Sabat naman ni Professor Dominate, at naglagay na ng water barrier si Professor Dominate sa pagitan naming dalawa.
Now... Come to think of it, Rose... Ano na lang ang iyong gagawin? Ano na ang plano mo ngayon?

"Now–!" "I... I give up." Natigilan kaming lahat nang marinig ito kay Elaine.

W-What?

"Huh? Why?" Tanong ni Professor Dominate sa kaniya. "S-Sorry... But... I just can't do it." Bago pa man si Professor Dominate muling makapagsalita, tumakbo na palabas ng gym si Elaine.

W-What just happened?

"Bakit na lang biglang nagkagano'n si Ms. Alzward?" Rinig kong tanong ni Professor Dominate sa kaniyang sarili.

Nakita kong bumuntong hininga si Professor Dominate. "Well, first time nangyari yung may magba-back out. But it doesn't matter for now... Pero ngayon, dahil sa nagback-out si Ms. Alzward, I guess I can considered Ms. Aneston is the winner to the both of them." Sabi ni Professor Dominate.

H-Huh?!

"P-Pero... T-Teka lang po, Professor Dominate!... Paanong ako yung mananalo kung hindi pa naman namin nasisimulan yung laban?" Naguguluhang tanong ko kay Professor Dominate.

"Hmmm, I guess I forgot to tell this to you, since you're still a newbie here... Well, Ms. Aneston, you see... Kapag nagback-out ka at walang rason, talo ka and of course, your opponent will already be considered as the winner. And besides, imbes na bibigyan kita ng grade, ibibigay ko na lang yun sa kalaban mo... But, kapag nagback-out ka pero may rason naman, ayos lang yun. Pwede kitang bigyan ng ibang activity na pwede mong magawa." Paliwanag ni Professor Dominate sa akin.

Then, it means... Pwede pa akong magback-out? Pero ano naman ang pwede kong maging rason ko? Masasabi ko ba yung totoo na wala akong mahika? Pero paano kung hindi siya maniwala? Pero paano kung maniwala nga siya, ano naman ang mangyayari sa akin?

"Ngayon na maliwanag na ang lahat, next pair please." Sabi ni Professor Dominate.

Umalis muna ako sa aking pwesto at umupo muna sa may mga upuan sa gilid. Hindi pwedeng magpakampante ako dito sa sulok. Hindi pa tapos ang laban ko at meron pa akong makakaharap mamaya.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon