Chapter 26: Being Part of It

46 14 1
                                    

Rose's POV

Kasalukuyan kaming nakaupo sa upuan namin habang nakikinig kay Professor Winston na nagtuturo ngayon ng Math. Pansin ko naman na yung ibang mga classmates ko dito ay halos half-asleep na at yung iba naman ay mga walang ganang makinig.

Haysss, wala talagang pinagkaiba ang mga magicae sa non-magicae. Dahil kahit nung nasa lugar pa ako ng mga non-magicae at nag-aaral pa doon, ganito din ang mga nakikita ko karamihan sa mga naging kaklase ko dati sa tuwing time na ng math subject.

Pero anyway, mabuti na lang talaga at may mga normal subjects na itinuturo dito. At dahil doon, nagagawa ko ring makipagsabayan sa ibang mga estudyante dito.

Nang matapos na si Professor Winston sa pagtuturo, dinismiss niya na yung klase. At ngayon ay lunch break na, kaya nagsilabasan na yung mga kaklase namin.

Tumayo na din ako para lumabas at mag-lunch. Pero nakita kong lumapit sa akin sila Quin, Kyle, Lian at Lin. "Tara, sabay ka na sa amin. Lunch tayo." Sabi ni Quin sa akin. Nakita ko sila Kyle, Lian at Lin na nakangiti naman sa akin at hinihintay na lang na pumayag ako. "Sige." Sagot ko naman bago ngumiti.

"Yey!" Natawa naman ako bigla nang sabay na tumalon dahil sa tuwa yung kambal bago pa nakipag-apir sa akin. Kambal nga talaga sila. Dahil miski sa kanilang istilo ng pananamit o pag-aayos ng buhok ay pareho sila. At pati sa mannerisms at paggalaw nila ay sabay pa sila. And that makes them even cuter.

Nagtungo kaming lahat sa dinning hall nitong school na ito na kung saan ay dapat sabay-sabay ang lahat ng mga estudyante dito na kumain nang magkakasama tuwing lunch at dinner. Kumbaga, magkahiwalay ang cafeteria at ang dinning hall nitong school.

Napakalaki nitong dinning hall para magkasiya kaming lahat dito. May tatlong malaki at sobrang napakahabang dinning table na magkakatabi, at sa itaas ng napakataas na kisame, ay may nakasabit na dalawang higanteng crystal chandelier dito at sa pader naman, ay may nakasabit naman na malaking banner na may navy blue color at may tatak ng logo nitong school. Gold na crown at may nakasulat na 'Enchanted School' sa baba nito.

Nang makakuha na kami ng pagkain ay umupo na kami sa medyo gitnang parte ng pangalawang mahabang dinning table dito.

Habang nakain na kami ng sabay-sabay ay nagkukwentuhan naman kami nila Quin, Kyle, Lian at Lin. "So, Rose, hanggang ngayon ay hindi mo pa din sinasabi kung ano ba talaga ang kapangyarihan na meron ka. Pwede bang sabihin mo na sa amin? Sobra na talaga kami nae-excite na malaman ito!" Sabi ni Lian sa akin.

Teka... Etong topic na naman ba? Same question again?

Tumingin ako kay Quin at nag-eexpect na baback-up-an niya ako, pero nagulat ako nang nakatingin lang din siya sa akin nang may malapad na ngiti sa akin. Nakipagtitigan ako sa kaniya na para bang nakikipag-usap ako sa kaniya sa mata. Yung eye-to-eye contact. Pero nang titigan niya ako, parang sinabi niya sa akin na "nope, just tell them the truth."

Napabuntong-hininga na lamang ako. Siguro wala naman masama kung sasabihin ko ito sa kanila diba? Tutal mga kaibigan ko na rin naman sila.

Aktong magsasalita na ako, subalit natigilan ako nang may lumapit sa akin na mga babae. Lima sila.

"Hello! Galing kami doon sa kabilang dinning table... We heard that you're the new transfer student here, right?" Sabi sa akin nung nasa gitna nilang babae. Pero napansin ko naman ang mga titig ng ibang mga estudyante na nalipat sa amin. Para bang inaabangan nila ang isasagot ko.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon