Chapter 49: In Westley's Mansion

42 12 0
                                    

Quin's POV

Kakatapos ko lang magluto ng pagkain. At ang kulang na lang ay si Brylle. Hinihintay ko siya ngayon dito sa apartment para sabay na namin kakainin itong niluto kong pagkain. I'm sure na pauwi na din naman yun ngayon.

Pero habang naghihintay ako dito, bigla na lang akong may narinig na may nag-doorbell sa pinto. Kaya ang agad kong inisip ay si Brylle na ito.

Agad akong tumakbo palapit sa pinto sabay bukas nito nang may matamis na ngiti sa labi. "Brylle! Bakit ng tagal mo atang maka-uwi? I really missed you–" Aktong yayakap na ako subalit bigla akong natigilan nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

Huh?

Hindi ito si Brylle. Mayroong dalawang foreigner na lalaki na matangkad ang nasa harapan ng apartment ngayon. Hindi ko naman naiwasan na mapatingin sa kanila mula ulo hanggang paa.

Pareho silang naka-black suit at naka shades. Mukha silang mga professionals... Pero ano naman ang kanilang ginagawa dito sa tapat ng apartment?

"Uhm... What can I do for you?" Tanong ko. "Mrs. Westley wants you to come with us. She's inviting you for a dinner." Sabi nung isang foreigner sa akin.

Mrs. Westley? Wait... Parang familiar yung pangalan na Westley.

"Uhhh... Who's Mrs. Westley?" Tanong ko pa ulit. "It's Sir Brylle's mother." Sagot naman nito.

What?! Brylle's mother?!

"So, if you wouldn't mind, please come with us now." Aktong hahawakan na nila ako, subalit umabante agad ako. "Hold on, shouldn't we wait for Brylle first?" Sabi ko. "Actually, he's already heading there." Sagot naman nung foreigner.

Saglit akong napa-isip. They're strangers at hindi ko alam kung nagsasabi ba talaga sila ng totoo ngayon sa akin. Pero how could they knew Brylle's name and his mother? And what if they're actually telling the truth?

At bukod pa dun, isn't that a great news to meet his parents? This is a great opportunity to know them. And aside of that, pupunta din naman daw si Brylle doon.

Kaya in the end ay napapayag na din ako. "Okay, I'll come with you." Sabi ko na. Saglit lang akong nagpalit ng damit ng maayos at nag-ayos ng sarili bago na ako sumama dito sa dalawang foreigner na ito.

Pero bigla naman akong nagtaka nang pagpasok namin sa elevator, ang pinindot na button nitong isang foreigner ay yung 'up' imbes na yung 'ground.'

"Uhm... Wait a minute. We're supposed to go downstairs, so why are we going upstairs?" Tanong ko sa kanila. "Because we're going to the rooftop." Sagot naman nila.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon