Chapter 8: Show Me Your Quirk

64 16 1
                                    

Rose's POV

"T-Teka lang..." Pigil ko sa kaniya. Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako, "uhm... Talaga bang papasok tayo sa loob?" Kinabahan ako bigla nang medyo malapit na kami pumasok sa loob.

"Oo naman. Bakit? May problema ba?" Tanong niya "uhhh, wala naman." Sagot ko.

"Kung ganon, pumasok na tayo." Aniya.

Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad, hanggang sa marating na namin ang isang napakalaking double door.

Hinawakan niya ito at binuksan ng buong pwersa, bago pumasok na sa loob at agad akong sumunod sa kaniya.

Habang naglalakad kami sa hallway, napansin ko kaagad ang magandang loob nito.

Ang isang malaki at sobrang habang red carpet na aming nilalakaran, ang kulay light brown ng magkabilang pader na sobrang taas, at ang higanteng crystal chandelier na kumikinang na nakasabit sa kisame. Para talaga akong pumasok sa isang palasyo.

Hmmm, I guess this is really a palace.

Habang naglalakad kami, bigla ko na lang napansin na walang mga tao sa paligid. "Mga tulog na ang mga tao dito, kaya wala kang makikitang kahit na sino sa paligid." Rinig kong sabi niya.

Teka, paano niya nalaman yung inisip ko? Is he something like mind reader?

"But for now, we need to go to the Dean's Office, for you to enroll here." Natigilan ako sa aking narinig.

Dean? Enroll?

Bigla akong tumigil sa paglalakad. "Wait, wait, wait... Hindi ba ito ay isang palasyo?" tanong ko. Kumunot ang noo ko nang tumawa siya bigla, "what? Palasyo? At sino naman ang nagsabi sa'yo na isa itong palasyo?" Tawa siya ng tawa.

Wait, hindi ba? Eh ano ang tawag sa lugar na ito?

"Men, this is a school!" Bigla akong natigilan dahil sa kaniyang sinabi!

I-Isa itong... S-School?!

"S-Seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Hindi ba ako mukhang seryoso?" Saka niya ako tinaasan ng kilay.

No way... This place... Cannot be... Just a school!

"Tell me that your lying." Sabi ko sa kaniya. "Nope! I'm not lying. I'm pretty serious, you know?" Sabi niya.

Hindi ako makapaniwala! Panaginip lang ba ito?

"Tara na, para masabi ko na din sa dean ang lahat." Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang aking kamay at hinila.

Tumigil kami sa isang malaking double door na kulay brown, at agad na din naman akong bumitaw sa kaniya.

Kumatok siya ng dalawang beses bago kami may narinig ng isang boses ng isang lalaki sa loob, "sino iyon?" tanong nung nasa loob.

"Uhhh, si Kyle Krueger po ito. Sir, pwede po ba akong pumasok? May kailangan lang po akong sabihin sa inyo." Sabi ni Kyle sa may pintuan.

Hindi kumibo yung nasa loob, subalit ilang sandali ay nagsalita na ulit ito. "Sige, pumasok ka."

Binuksan na ni Kyle ang malaking pintuan na gumawa ng ingay sa paligid. "Hey, sumama ka sa akin." Bulong niya sa akin, at agad din naman akong sumunod sa kaniya.

Pumasok na kaming pareho sa loob, habang ako naman ay nasa kaniyang likuran lang.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasan ang mamangha sa buong paligid. Sobrang laki at lawak nitong kwarto na ito, at sobrang taas naman ng pader ng bawat sulok ng kwarto na ito.

May isang malaking chandelier na nakasabit sa gitna ng kisame, mga halaman na nakalagay sa mukhang mamahaling mga paso, mga portraits and paintings na nakasabit sa pader, at sa gitna naman nitong kwarto ay nakalagay ang kulay pula na couch na magkatapatan at sa centro nito ay isang center table kulay pula rin.

Teka, sigurado ba si Kyle na office ng dean ang kwarto na ito? Baka ibang kwarto ang aming napasukan?

Napatingin ako sa harapan namin, at nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa kaniyang swivel chair at nakatalikod mula sa amin.

Nakaharap lamang siya sa isang malaking bintana na abot hanggang kisame ang taas. May malaki at mahabang kurtina naman na kulay violet ang nakasabit sa magkabilang dulo nitong bintana.

"Uhhh, sir..." banggit ni Kyle. Humarap yung lalaking nakaupo sa swivel chair nito sa amin, at ngayon ko lang napagtanto ang itsura ng lalaking nasa harapan namin ngayon.

Mukhang may edad na din ang lalaking ito... Siguro mga nasa 50s na din siya? Mga ganun. Pero kahit mukhang may edad na siya, hindi ko maikakaila na ang gwapo pa din niya, at mukhang medyo bata-bata pa. Kung hindi mo susuriin ang mukha niya ng maigi, aakalain mong nasa mga 30s pa lang siya.

Sobrang formal ng kaniyang ayos, at maging ang pag-upo lang sa kaniyang upuan.

Hindi ito nakatingin sa amin, at nakatingin lamang siya sa kaniyang table na nasa harapan niya. "Mr. Krueger, bakit gising ka pa din sa ganitong oras ng hating-gabi? Diba dapat nasa dorm mo na ikaw ngayon at natutulog, dahil may pasok ka pa kinabukasan. And I know that you also already know about the curfew, you know the rules, right?" kalmado pero nakakatakot kung pakikinggan.

"Y-Yes... Alam ko po ang lahat ng iyon, pero–"

Natigilan ako nang makitang tumingin bigla itong lalaki na ito sa akin, "wait... Mr. Krueger, who's that woman?" tanong niya kay Kyle.

"Uhhh... That's the reason why I'm here, sir." Sabi ni Kyle. Tumabi si Kyle sa akin, "this is Rose, sir. I'm here to enroll her in this school." Aniya. "Is she a magicae? What is her quirk?" Natigilan ako.

Magicae? Quirk?

Napatingin ako kay Kyle, "hey! Anong ibig niyang sabihin?" bulong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin, subalit hindi ito sumagot at humarap ulit sa kaniyang harapan.

What the heck?!

Nakita kong tumayo na yung lalaki na nasa harapan namin mula sa pagkakaupo nito. And I was startled when he gazed at me. Napalunok ako dahil dito.

Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin o gagawin, dahil wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari ngayon!

Gosh! This is freaking me out!

Nang makita kong nagsimula na itong maglakad patungo sa amin, agad na akong nag-isip ng mga sasabihin ko!

What should I do?!

"Yes, she is a magicae. And she does have a quirk." Nagulat ako dahil sa sinabi ni Kyle!

What?! Me?! Magicae?! Ni hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin ng magicae na 'yan, eh!

Quirk?! He mean powers? What the hell is this supposed to mean?!

Sa isang kurap ko lang, nagulat ako nang makitang nasa harapan ko na bigla yung lalaki!

What the hell?! Did he do the teleportation?!

"Show me your quirk." Aniya.

Eh?!

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon