Chapter 53: The Palace

44 12 0
                                    

Quin's POV

Kasalukuyan akong naglalakad dito ngayon sa isang gubat na kung saan ay ako lang ang mag-isang tao ang andito ngayon.

Lumutang na sa harapan ko yung kulay berde na bola na binigay sa akin ni Sir Kristoff bago ako umalis kanina dun sa Enchanted School, pero kinuha ko na lang ito at saka itinago muli sa aking bulsa.

Hindi muna ako babalik doon ng kahit isang araw lang. Gusto ko munang maging mapag-isa.

Alam ito ni Sir Kristoff dahil sinabi ko sa kaniya na maaaring hindi ako makabalik agad ng isang araw sa school. Buti na lang ay naka-unawa siya at pinayagan ako sa gusto ko.

Pero binigyan niya ako ng isang bracelet, para in case na may mangyaring masama sa akin, mabilis akong makahihingi ng tulong at mabilis rin nila akong mahahanap kung nasaan ako.

Napatingin naman ako dito sa aking suot na kuwintas ngayon... Para itong isang nabiyak na kalahati ng yin yang na pendant. Dahil ang meron lamang dito ay ang yin, na ang kulay ay itim. At napansin ko rin na parang may kaunting crack din sa mga gilid nito.

Actually, matagal ko na talaga itong suot since then. Simula pa nung bago ako makarating dito sa Enchanted School at bago ko pa makilala si Brylle. I'm just curious kung bakit mayroon ako nito.

"AHHH!"

Nagulat ako nang bigla akong may narinig na isang malakas na sigaw, at nang mapatingin ako doon sa may ilog, nagulat ako nang may nakita akong isang batang babae na nahulog doon!

"T-TULONG!"

Napansin kong parang nalulunod na siya kaya agad na akong tumakbo palapit doon sa ilog at saka ko inilahad ang aking kamay sa kaniya.

"Kunin mo ito!" Sabi ko sa kaniya subalit bago pa niya maabot yung kamay ko, tuluyan na siyang lumubog sa ilalim ng ilog, kaya mas lalo akong nataranta. Kaya napagdesisyonan ko nang tumalon doon upang mailigtas siya.

Kaya agad kong hinubad ang suot kong sapatos at ang suot kong jacket, at saka na ako agad tumalon sa ilog. Pagkalubog ko ay nakita ko naman agad siya dito sa ilalim na wala ng malay, kaya agad ko na siyang kinuha at saka na ako lumangoy ulit pataas.

Pagka-ahon ko naman ay saka ko na siya inihiga sa damuhan. Agad ko naman pinump yung dibdib niya para mailabas yung mga nainom niyang tubig sa katawan niya. Subalit hindi pa rin siya nagigising, kaya hindi na ako nagdalawang isip na i-mouth to mouth siya para lang gumising siya.

At nang magawa ko na iyon, napa-ubo na lang siya bigla kasabay ng paglabas ng mga nainom niyang tubig mula sa kaniyang bibig. At buti na lang ay nagkaroon na ulit siya ng malay.

"Hey, ayos ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya. Nanghihinang tumayo naman siya kaya agad ko siyang tinulungan. At nang matulungan ko na siyang maka-upo, saka naman siya tumingin sa akin.

"S-Salamat po sa pagtulong niyo po sa akin." Aniya saka pa siya yumuko sa harapan ko, subalit agad ko naman siya pinatingala na ulit, kaya ayun ang ginawa niya.

"Ano bang nangyari? Bakit ka nahulog sa ilog?" Tanong ko sa kaniya. Yumuko lang siya at saka nagsalita, "sinubukan ko pong mangisda, subalit nang may naramdaman na po akong isda na nahuli, tumayo na po ako, pero hindi ko po inasahan na madudulas po ako at mahuhulog."

"Nangigisda? Pero bakit ka nangingisda ng ganitong oras ng gabi? Okay lang ba sa mga magulang mo na nasa labas ka ng bahay niyo na walang kasama man lang na guardian? You're not supposed to be out this late at night, dahil maaaring mapahamak ka. Katulad niyan, muntik ka ng malunod ng tuluyan kung hindi pa ako dumating." Sabi ko.

"S-Sorry po... Pero I don't have a parents anymore..." Nakayuko pa rin siya hanggang ngayon. Medyo nagulat naman ako sa sinagot niya.

"Ah... Sorry, hindi ko alam." Sabi ko naman, pero umiling lang siya. "It's okay. I'm used to it naman po. I'm just here, dahil gusto ko po munang magpakalayo sa amin... At least just one day... I wanted to be free. Live like the other normal kids."

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon