Chapter 18: F

59 15 1
                                    

Rose's POV

*yawn*

Dumilat na ako ng aking mga mata at ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame nitong dorm namin.

"Oh, good morning, Rose!" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Quin sa may kusina habang nagluluto. Dito pa lang ay amoy ko na ang mabangong pagkain na kaniyang niluluto.

Biglang akong napa-upo sa kama nang mapagtanto na umaga na pala!

"Quin, ilang oras akong nakatulog?" Tanong ko sa kaniya "well, I'm not really sure, but when I get here yesterday, I've already saw you sleeping." Bumagsak ang panga ko dahil sa narinig ko.

Hapon akong bumalik dito sa dorm as I remembered.

Napahilamos ako sa aking mukha nang ma-realize na halos mahigit sampung oras na pala akong nakatulog!

"Rose, luto na yung pagkain. Tara kain na tayo." Rinig kong sabi ni Quin. Tumayo na ako at nagtungo sa table kung saan nakahain ang pagkain, bago sabay kaming umupo sa upuan.

"Uhhh, thank you... Quin." Sabi ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin at matamis na ngumiti, "wala lang 'yan... Sige, kain na tayo." Aniya saka na kaming pareho kumain.

Actually, kung papansinin ko, wala naman talagang pinagkaiba ang magicae sa mga non-magicae. Dahil mula sa pananamit hanggang sa pagkain, parehas lahat. Tanging sa mga kapangyarihan lamang ng mga magicae ang ipinagkaiba nila sa mga non-magicae. Katulad nga ng sinabi ni Kyle sa akin, totoo at napatunayan ko ang mga ito.

Habang kumakain kaming pareho ni Quin, bigla kong naalala na may pasok pala ngayon. At nang tumingin ako sa orasan, nanlaki ang aking mga mata nang makitang 8:00 AM na pala! 7:00 AM ang start ng klase namin, pero ngayon, anong oras na?!

"Hala late na pala tayo!" Sabi ko sabay tayo. Aktong tatakbo na ako papunta sa banyo, pero bigla akong natigilan nang magsalita sa Quin. "Hey, calm down. Like I said, tuwing Saturday and Sunday ay wala rin ditong pasok like any other ordinary schools. At ngayon ay Saturday, kaya wala tayong pasok ngayon."

H-Huh?

Narinig ko siyang medyo natawa, "well, that's okay. Newbie ka pa lang naman dito. I know na hindi magtatagal ay masasanay ka na din dito." Sabi niya bago pa siya ngumiti.

Hindi ko alam, pero hindi ako sanay sa ganitong mga sitwasyon. Dahil ni minsan ay hindi pa ako nagkaroon ng kaibigan sa buong buhay ko. Lahat kasi ay nilalayuan ako o minsan ay sadyang lumalayo sa akin dahil ayaw nila sa akin. Kaya hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin ngayon na mayroon na akong kaibigan.

Ganito ba? Ganito ba ang pakiramdam ng may kaibigan? Pero paano ko naman iyon mapapatunayan na ganito nga iyon kung hindi ko pa naman nararanasan ang magkaroon ng isang kaibigan?

"Ah, Rose, now that I've remembered and mentioned... Nasaan na yung squirrel na napaamo mo na ibinigay sayo ni Ms. Falton?" Biglang dugtong ni Quin.

Ah! Right! That squirrel! I know that–

Paglingon ko sa balikat ko, nanlaki ang aking mga mata nang makitang wala yung squirrel dito!

W-What the?!

Nang inalala ko yung mga nangyari kahapon simula nung ibinigay na ni Ms. Falton yung squirrel sa akin, ang huling pagkakatanda ko ay nasa balikat ko pa din yun hanggang sa paglabas ni Ms. Falton ng room namin at ang pumalit ay si Professor Dominate. Pero yung mga sumunod na oras ay hindi ko na natatandaan na nasa balikat ko pa din yung squirrel na yun!

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon