Chapter 60: Adamantem Kingdom

38 2 6
                                    

Kyle's POV

*BOGSH!*

Nagulat kaming dalawa ni Avery nang bigla kaming nakarinig ng isang napaka-lakas na pagsabog mula sa labas nitong gubat.

"What was that?!" Sabi ni Avery. Ako naman ay agad na napatayo mula sa pagkaka-upo.

Did something happened?!

Pero hindi pa man nakakalipas ng isang minuto simula nung pagsabog na aming narinig, ay nakaramdam kami bigla ng isang malakas na hangin na dumating papunta sa amin!

Kaya naman ay pareho kami ni Avery na natangay dahil sa sobrang lakas ng hangin. Buti na lang ay napakapit ako agad sa isang puno at nasagip si Avery sa pagtangay.

Subalit dahil sa patuloy na paghangin ng malakas ay parang hindi ko na kaya pang kumapit pa doon sa puno! Sumasakit na rin ang nakakapit kong kamay doon sa puno dahil bukod sa lakas ng hangin ay hawak ng isa ko pang kamay si Avery!

"Ugh! Hindi ko hahayaan na ako ang maging cause ng pagkapahamak mo! Here! Get this!" Nagulat ako nang bigla ni Avery ibinato sa akin yung scarf niyang mabalahibo, but luckily, naakuha ko ito bigla.

Alam ko na agad ang ibig niyang sabihin sa pagbigay niya sa akin nun. Kaya naman ay agad ko ng itinali ng mahigpit yung scarf na iyon doon sa kinakapitan ko na puno at doon ako kumapit. Habang si Avery naman ay nakakapit sa aking beywang.

Patuloy pa rin sa paghangin ng malakas, subalit habang kami ay nagsta-struggle upang huwag tangayin ng hangin, sa dulo nito ay may nakita kaming dalawang tao na naglalakad papunta sa direksiyon namin.

Napakunot naman ang aking noo nang mapansin kong yung isa ay parang may kumikislap na liwanag sa buong katawan nito, at habang yung isa naman ay mukhang siya ang nagko-control nung hangin!

Hindi ko naman makilala kung sino ang mga ito dahil bukod sa layo pa nito ay madilim pa sa paligid, at tanging sa liwanag lamang ng buwan kami umaasa ng ilaw.

Yung mga alitaptap kanina ay tinangay na rin ng hangin palayo.

Pero mayroon akong kutob na ibang mga tao ito. I have this bad feeling, but I sense danger. There's a bad atmosphere to them.

"K-Kyle!" Rinig kong tawag sa akin ni Avery, "what?!" I shouted dahil sa lakas ng hangin.

"Hindi ko magagawang maglabas ng apoy ngayon! This... It is too much! Masyadong malakas yung hangin! And even though maglabas ako ng apoy, it is still useless!" Sagot niya.

Yeah, she's right. Ang laking disadvantage nito sa aming dalawa. And kahit sa akin.

But... Who are those people? Why are they attacking us? It doesn't seem like they're non-magicae, because it is obvious that they also have magic.

Wait... Don't tell me... Hindi sila galing dito sa Enchanted School? May iba pa bang mga magicae maliban sa amin?!

"Well, well, well... Look what we have found! A two couple embracing each other 'til death!" Rinig naming sabi nung isang tao na kino-control yung hangin.

What? A couple?

"Hey! You don't have to make it rush! Let's play with them a little!" Rinig naman naming sabi nung isa na may kumikislap na liwanag sa katawan nito.

"Yeah, yeah, that's sounds great! Well then!" Pagkasabi nung isa nito ay bigla na lang naglaho yung napakalakas na hangin sa paligid, at kasabay nito ay ang pagbagsak naming pareho ni Avery sa lupa.

Medyo masakit yung pagbagsak namin sa lupa, subalit hindi naman ito aabot nung mababalian na kami ng buto.

"Kyle! Are you alright? May masakit ba sa'yo?" Rinig kong nag-aalalang tanong agad ni Avery sa akin, "no, I'm fine..." Sagot ko naman.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon