Chapter 43: You Can Do It!

49 13 1
                                    

Kristoff's POV

"Wew! Thank God! We're all done!" Sabi nila bago pa sila napabagsak sa sahig. Mukhang sobra talaga silang napagod.

They're all exhausted.

Naging maganda ang resulta ng gamot kay Abu, at good news ay ligtas pa din siya hanggang ngayon. At ayon sa sinabi ni Cassandra sa akin kagabi, kailangan ko siyang ibalik muli sa kung saan siya nagmula. Pero bago ko pa magawa iyon, naunahan na agad ako nung apat.

"Kaibigan, maraming salamat sa pakikisama mo sa amin. Kaya bilang kapalit, ibabalik ka na namin sa tahanan mo talaga." Sabi ni Mr. Krueger kay Abu. Binuhat na nilang dalawa ni Mr. Jackson si Abu bago lumabas na ng bahay at ibalik na siya sa kung saan talaga siya nagmula, sumunod din naman sa kanila si Ms. Aneston at Ms. Jackson, pero naatasan akong maiwan dito sa bahay kasama ang gamot na kanilang ginawa.

Medyo nagtampo ako dahil hindi ko man lang masasaksihan kung paano si Abu makakabalik sa sarili nitong tahanan, pero magandang oportunidad na din ito para maihalo ko na yung binigay ni Seff sa akin doon sa gamot. Actually, talagang hinintay ko ang ganitong oportunidad, dahil kung ihahalo ko ito nang andiyan sila, malalaman nila na ako ito na kinokontrol lamang ang katawan nitong squirrel or kung hindi man, magugulat sila dahil ang isang squirrel ay may hinalo na kung ano sa ginawa nilang gamot at dahil doon, maiisip nilang masasayang ang lahat ng kanilang pinagpaguran para sa gamot na kanilang ginawa, kahit hindi naman talaga. At isa pa, kampante na ako dahil alam kong ligtas na makakabalik si Abu sa sarili nitong tahanan.

Kumilos na ako, dahil baka mamaya ay bigla silang bumalik na at makita ako sa ginagawa ko.

Nagtungo ako sa pinaglalagyan nung gamot, bago ko binuksan ang takip nito. Kinuha ko na yung bote na may laman na color deep, bright blue na binigay sa akin ni Seff, saka ko binuksan na rin ang nakatakip dito.

Bago ko ibuhos ang laman nitong bote dito sa gamot, muli kong tinignan ang itsura nitong ginawa nilang gamot sa huling pagkakataon. May laman itong lalagyanan nila na likido na color deep blue, kaya naisip kong walang magbabago sa kulay nito kung ihahalo ko ang laman nung binigay sa akin ni Seff dito.

Kaya naman napagdisidiyonan ko ng ibuhos ang laman ng hawak kong bote doon sa gamot, subalit sa hindi inaasahang pangyayari, nagulat na lang ako nang makitang nagbukas ang pinto at doon ko nakita si Ms. Jackson na nakatayo at gulat na gulat sa kaniyang nakita.

Naku po! Patay na!

***

Rose's POV

"Ugh! Avery, asaan ka na ba? Bakit hindi ka pa bumabalik dito?" Nag-aalalang sabi ni Harris sa sarili. "Hindi ba't bumalik siya sa bahay na pinaggawan natin ng gamot para mag-cr? Bakit ba alalang-alala ka?" Tugon naman ni Kyle.

Andito kami sa isang gubat medyo malayo sa bahay na pinaggawan namin ng gamot. Kakatapos lang namin mapakawalan ang unggoy, pero mabilis din itong nawala sa aming paningin dahil may iba pang mga unggoy na sumalubong sa kaniya at masaya siyang niyakap bago sila umalis na agad. Mukhang mga pamilya niya ang mga iyon.

At ngayon naman, kasalukuyan kaming naka-upo dito sa isang mahabang log habang hinihintay si Avery na makabalik.

Pero naiisip niyo ba ang naiisip ko? Tutal pabalik na kami, bakit pa namin kailangan hintayin si Avery dito kung iisa lang din naman ang lugar na pupuntahan namin?

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon