Chapter 54: Worried

53 10 0
                                    

Rose's POV

"How does blood circulate through the body?"

"The blood moves through the arteries and veins in only one direction. The heart pumps blood through vessels transporting oxygen and nutrients to all parts of the body. Blood then flows from the smaller arteries in the body into even smaller blood vessels called capillaries, where oxygen are dropped off and carbon dioxide is picked up." Sagot ng science teacher namin doon sa isa kong classmate na nagtanong.

Kasalukuyan naman akong naka-upo ngayon dito sa loob ng aming classroom habang nagtuturo yung prof namin sa science.

Napalingon naman ako doon sa upuan ni Quin... Bakante ito at wala siya ngayon dito.

Bigla naman ako nakaramdam ng pagkalungkot dahil alam kong ako ang may kagagawan kaya wala siya ngayon dito.

Nag-aalala na tuloy ako sa kaniya at kung nasaan na siya ngayon. I hope na safe lang siya kung nasaan man siya ngayon.

Pero kapag hindi pa rin siya nakakabalik dito ngayong araw na din na ito ay kikilos na ako agad para hanapin na siya.

Napalingon naman kami doon sa tumaas pa ng kamay sa isa pa naming classmate, "can blood flow backwards?" Tanong nito sa prof namin ng science na mabilis rin naman nito nasagot ang tanong sa kaniya.

"Your blood cannot flow backwards, most likely even with a machine. You have a series of valves placed throughout the veins in your body which will close if blood flows the other way. You also have them in all the chambers of your heart." Sagot pa ng prof namin.

Natural lang na imposibleng mag flow backwards pa ang dugo ng isang tao noh... Simple logic.

"But..." Napalingon naman ako this time sa prof na namin. "It is possible to a magicae." Pagkasabi pa nito ng prof namin, biglang naging maingay ang buong klase dahil sa hindi makapaniwala sa nalaman.

Kahit din naman ako noh! Sinong mag-aakala na posible iyon sa isang magicae?!

"Silence!" Suway naman ng prof namin, kaya agad namin itong sinunod. At nang tumahimik na ang buong klase ay saka na niya ulit ipinagpatuloy ang pagtuturo.

"But that doesn't mean that all magicae can do it... Only the selected ones. Because there's only a few magicae in this world that have that kind of magic, that's why that magic is so rare... And that magic is called... Blood Control." Dugtong pa niya.

Blood Control?

Woah... After all the times na andito na ako, this is the first time na nalaman ko ang tungkol dito sa ganitong klase ng mahika... But what else does Blood Control can do?

"Now, if you're curious of what else does this kind of magic can do, then you can go to the library and find the book of all kinds of magic. You can find that there." Sabi pa niya.

Wala ng nagtangka pang magtanong sa prof namin ng science, kaya naman nang mapatingin na siya sa orasan at nang mag-time na ang oras niya ay dinismiss niya na ang klase.

"So, if you don't have any questions anymore, then that's all for today... Class dismiss!" Sabi niya at saka na nagsilabasan ng classroom ang lahat.

"Rose!" Tawag sa akin nung kambal. Pagkalingon ko naman sa kanila ay nagulat ako nang makita kong humahagulgol na silang dalawa.

"B-Bakit kayong pareho umiiyak? May nangyari ba?" Nag-aalala kong tanong. "Si... Si Quin? Bakit hindi namin siya nakita ngayong araw?" "O-Oo nga... Bakit wala siya ngayon dito? Diba nasa iisang dorm lang naman kayong dalawa?" Umiiyak nilang tanong.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon