Chapter 67: The Blue Flame Manipulator

16 0 1
                                    

Quin's POV

"Harris?"

B-Bakit siya–

"So you're the one who did this!" Sabi niya habang nakatingin sa aming dalawa, at nang makita ko ang kaniyang mukha ay bigla akong nagtaka sa kaniyang expression.

"W-Wait, Harris... Why are you like that?" Kinakabahan kong tanong dahil alam kong kahit anong oras ay pwede niya kaming sunugin hanggang sa maging abo na lamang... Lalo na't mukhang galit na galit pa siya.

But come to think about it, where is he earlier? Hindi ko siya nakita sa paligid kanina.

Bigla naman natawa ng malakas si Harris nang marinig ang aking sinabi, ngunit alam kong sarcastic lamang iyon. "Why? You really don't know why?! Then, you better just die right now!"

Nagulat naman ako nang bigla siyang naglabas ng isang higanteng kulay asul na apoy sa magkabila niyang kamay at mas lalo pa niya itong pinalaki!

Pero bago pa man siya maka atake sa aming dalawa, agad ng humarang sa amin ang lahat ng nakasuot ng kulay gintong cloak, at nakita namin na agad ng humarang sa kaniya si Professor Gregor upang pigilan siya sa kaniyang binabalak.

"Harris! Stop! Calm down! This isn't right..."

"Yes! This isn't definitely right since the beginning! Kung hindi dahil sa'yo, kung hindi dahil sa katigasan ng iyong ulo, kung hindi mo nabasag ang pendant na iyan..."

Natigilan ako nang bigla kong napansin na may gumuhit na luha sa kaniyang pisngi.

He's really mad, but I can see that there's so much pain inside him that makes him wanted to cry.

"Wala sanang mamatay na isa sa aming dalawa ng aking kapatid."

W-Wait, what?! Does he mean, Avery?! 

"W-What do you mean by that? Isa sa inyo ni Avery ang mamatay?"

"Your Majesty, he was right. And bilang kapalit sa pagbasag niyo sa pendant na Yin Yang, the consequences will be definitely worse." Biglang sabi ni Duke Evans na pumunta sa aking gilid.

S-So, that means... This pendant really belongs to them?!

"Ano? Pero hindi ba't ibabalik na namin ito sa dati ulit? And ano pang problema doon?" Sabi ko.

"Yes, that's true, Your Majesty. But once na maibalik na ulit iyan sa dati, at kayo ay nagbalik na rin ulit sa dati... Ang mga totoong tagahawak ng pendant na Yin Yang ay kailangan may mamatay na isa sa kanila, and the power of that pendant ay mapupunta lahat sa matitirang buhay sa kanila. Pero isang beses na lamang ito magagamit at pagkatapos nito ay mawawalang silbi na lamang ang pendant na iyan."

Nagulat naman ako nang marinig ang kaniyang sinabi. Pero bigla rin naman akong nakaramdam ng sama ng loob sa aking sarili. I feel so guilty of what I've done. Hindi lamang pendant ang aking nasira, kundi ang buhay rin nilang magkapatid ay nasira ko!

"But... But why didn't you tell me this earlier?! Kung sinabi mo ito agad sa akin, dapat naiwasan ko na ito nung una pa lamang!" Singhal ko kay Duke Evans. I know I shouldn't be mad at him because I'm the one who made this mess, but he should've told me about this!

"Your Majesty... Bata ka pa lamang noon, sinabi ko na ito sa inyo and I know that you are well aware of that." Sagot naman niya.

"W-What?"

Sinabi niya na ito ng matagal na sa akin? Halos noon pa? Then, does that mean...

*flashback*

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon