Chapter 33: The Punishment's Mission

40 13 1
                                    

Rose's POV

"Rose, didn't I tell you to call me if something has happen to you? Bakit hindi mo yun ginawa? Look what happened! Sinabi ko naman na pupuntahan ka namin agad nila Lian at Lin." Sabi ni Quin sa akin, habang ako naman ay abala sa pag-aayos ng aking sarili at sa pagkain na aking kinakain ngayon upang hindi ako magutom mamaya sa paghahanap namin ng misteryosong bulaklak.

"I'm sorry. Ayoko lang talagang abalahin ka pa. At isa pa, ayos lang naman ako. Look, I'm perfectly fine." Sagot ko naman. "Tsk! Kung nakarating lang talaga ako dito ng mas maaga at naabutan ko ang bruhang Avery na 'yon... Nako! Humanda talaga siya sa akin! Kakalbuhin ko talaga ang bruha at impaktang babae na 'yon! Wala akong pakielam kung kapatid siya nung Harris na 'yon! Magkampihan pa sila kung gusto nila! Para two in one ang laban! Ugh...! Nanggigigil ako sa kanila! Wala silang karapatan na gawin nila iyon sa'yo, in the first place! Basta isa pang malaman ko na ginawa nila ulit iyon sa'yo, ako na ang kanilang makakaharap! Humanda na talaga sila! Hindi ko na ulit iyon papalagpasin pa!" Galit na sabi ni Quin bago niya pa nadurog ang plastic bottle na kaniyang hawak na aking ikinagulat naman.

"Uhm... Tingin ko naman na hindi na ulit iyon mauulit pa. And like I said, I'm fine. Hindi ako nasaktan. So ayos lang talaga ang lahat sa akin. Pero pasalamat pa din ako kay Kyle. Pero nang dahil naman sa akin kaya siya ang napahamak. At ngayon ay kailangan namin hanapin ang misteryosong bulaklak para gumaling na ng tuluyan ang sugat na kaniyang tinamo."

"Rose, wala kang kasalanan. Hindi mo kailangan na sisihin ang iyong sarili dahil sa nangyari kay Kyle. Dahil in the first place, si Avery at Harris talaga ang nagsimula ng lahat! Kaya silang dalawa lang talaga dapat ang maparusahan! Kasi kayong dalawa ni Kyle ay biktima lang." Sabi ni Quin na hanggang ngayon ay badtrip pa din.

Naubos ko na yung kinakain ko kaya naman ay tumayo na ako sa aking upuan at saka lumapit kay Quin bago siya niyakap. "Okay, I get it now. Basta wag ka ng magalit pa, kasi baka ma-high-blood ka pa niyan. Pati kahit ano naman ang gawin natin, hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan dahil nangyari na ang lahat. Hindi na natin ito mababago pa. Pare-parehas kaming mapaparusahan dahil sa nangyari. Ang kailangan na lang gawin ngayon ay mag go with the flow." Sabi ko sa kaniya habang yakap ko siya.

"Awww, sige na nga. Tutal may point ka naman... Pero talaga bang ang misteryosong bulaklak ang kailangan niyong hanapin para sa panlunas sa sugat ni Kyle?" Tanong naman niya. Kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kaniya, "Oo, pero may alam ka ba tungkol doon?"

"Uhm, meron. Pero talagang mahirap iyon hanapin, at sa tingin ko ay hindi sapat ang tatlong araw sa inyo upang mahanap ang misteryosong bulaklak na iyon."

Hah?! Hindi sapat ang tatlong araw?!

"Teka, ano bang itsura ng bulaklak na yun?" Tanong ko sa kaniya. "Hindi ko alam kung narinig mo na ang tungkol dito, pero dahil dati na akong napatira sa lugar ng mga non-magicae at nagtinda na ng mga bulaklak doon, alam ko ang tungkol sa ganitong klaseng bulaklak, pero kahit plants ang aking mahika, ito lamang ang tanging bulaklak na hindi ko nakokontrol o nagagawa. Dahil hindi ito mabubuhay sa magic."

Ahhh, so ganun pala yun. Pero that reminds me na hindi imposibleng malaman niya ang tungkol sa misteryosong bulaklak na ito dahil napatira na nga pala siya sa labas ng barrier at nakapagtinda pa siya ng iba't ibang klaseng mga bulaklak noon.

"Misteryosong bulaklak ang tawag ng mga magicae dito, subalit Turquoise Flower naman ang tawag ng mga non-magicae dito. Ito ay dahil sa sky-blue color nito at parang mga gemstones naman ang mga petals nito na katulad talaga sa isang turquoise na gemstone."

Saglit... Turquoise Flower?! So yung misteryosong bulaklak na tinutukoy nila Sir Kristoff at yung sinasabi ko ay iisa lamang!

"Turquoise Flower... Alam ko ang bulaklak na 'yan, pero hindi pa talaga ako nakakakita ng isa nun sa buong buhay ko. Tanging sa mga litrato ko pa lang iyon nakikita." Sagot ko naman. "Pero I think medyo mapapadali ang trabaho niyo sa paghahanap nun dahil alam mo ang itsura nun. Malaki pa rin ang maitutulong nun sa paghahanap niyo kahit sa mga litrato mo pa lang iyon nakikita. Pero isa pa rin iyon sa mga rare flowers."

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon