Chapter 66: Be One

39 1 3
                                    

Author's Note:

Hello po! How's everyone? Did you miss me?

Sabi ko nga, hindi. Hahaha! Well, that's a really so much long wait, huh. Yeah, and I apologize for that. I'm really sorry. But nagpapasalamat pa rin naman po ako sa mga readers diyan na nagbabasa pa rin ng Enchanted School! I really am greatful, guys!🥺

Yey!😄🎉

Well, that's all for now. So I hope have a nice day and enjoy reading~!😘✨

@Snow_In_April

Quin's POV

Halos matulala na ako sa aking narinig.

"Dahil ang nawawalang kalahati ng buhay niya ay si Queen Tiara."

Subalit naramdaman ko naman bigla na para na akong nanghihina dahil sa kinakapos na rin ako ng hininga, kaya naman napaluhod na lang ako sa sahig.

Siguro dahil nga talaga ito sa konektado talaga ako sa kaniya.

Napalingon akong muli kay Sir Kristoff na patuloy pa rin sa pagsasakal sa kaniya, pero nakita ko naman na para siyang natigilan rin sa kaniyang ginagawa nang makita na ang aking kalagayan.

Napansin ko naman na kumunot ang kaniyang noo bago bumaling rin ng tingin kay Rose. Kaya naman napabuntong-hininga siya kasabay ng pagbaba niya sa kaniya.

At sakto naman ay nakahinga na ako ng maluwag.

"Quin, ayos ka na?" Rinig kong sabi naman ni Kyle. "Hmm." Tumango ako bago inabot ang kaniyang kamay na nakalahad sa akin at saka na niya ako tinulungan makatayo muli.

Subalit bigla na lang may lumitaw sa aking isipan na parang isa na namang alaala.

***
Napansin ko na kaagad na lalabas na sila dito sa loob, kaya agad na akong nagtago sa likod ng mahabang kurtina nitong bintana na abot hanggang kisame ang taas.

At nang sumilip ako mula sa likod ng kurtina, nakita kong naglalakad na palayo yung dalawang elders na kanina ay nag-uusap lang sa loob.

At nang makita kong wala na sila, tinignan ko muna yung paligid na kung may tao. Pero nang masiguro kong wala, lumabas na ako dito sa likod ng kurtina.

Napatingin naman ako sa katapat kong pintuan kung saan andoon sa loob yung may pendant na Yin Yang.

Nung una, nagdalawang-isip ako kung papasok ba ako o hindi dahil naisip ko na baka may magawa akong hindi maganda doon sa pendant.

Pero naisip ko din naman na titignan ko lang naman ng malapitan yung pendant dahil kanina ay malayo ako nung nakita ko ito.

Kaya naman ay pumasok na ako sa loob at saka sinara yung pinto pagkapasok ko. At nakita ko na rin agad yung drawer na pinaglagyan nung pendant, kaya naman ay agad na akong lumapit dito.

At pagkabukas ko nung drawer, bumungad na sa akin ang kumikinang at magandang pendant ng Yin Yang!

Sobra akong namangha dahil sa itsura nito. Mas malinaw at malapit na ito sa akin ngayon! At dahil sa sobrang pagkamangha ko dito, gusto ko na itong isuot sa akin!

Wala naman mangyayari kung isuot ko ito, diba? At isa pa, iingatan ko naman ang paghawak dito. Kaya okay lang naman na hiramin ko lang muna ito sa ngayon, diba?

Kinuha ko na itong kuwintas at saka isinuot sa akin. Pagkatapos ay lumapit naman ako doon sa nakita kong malaking salamin sa gilid, at saka tinignan ang reflection ng aking sarili doon.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon