Chapter 36: Is Impossible Is Possible?!

28 13 1
                                    

Rose's POV

"LOLA CARMELITA!"

Agad na lumapit si Kyle kay Lola Carmelita bago niya ito binuhat. "Sa kwarto!" Bago ni Lolo Heinz tinuro yung isang kwarto sa dulo.

Iyak ng iyak si Richie habang dinadala ni Kyle si Lola Carmelita sa kwarto na tinuro ni Lolo Heinz.

Subalit nang marinig ko ang iyak ni Richie ay bigla ko na lang naalala ang nangyari kay nanay. Maaaring iba ang nangyari kay nanay sa Lola ni Richie, pero ayokong mangyari at maranasan ni Richie ang mawalan ng taong mahal sa buhay.

Nang maipasok na si Lola Carmelita sa loob ng kwarto ay agad ni Kyle inihiga ito sa kama. Nakita kong may nilagay si Lolo Heinz kay Lola Carmelita na oxygen mask na nakakonekta sa isang tangke na sa tingin ko ay naglalaman ito ng hangin (oxygen). At sa gilid naman ng kama ay may monitor na may mga guhit na gumagalaw ng taas at baba.

Looking at him, he looks like a professional. He knows everything what to do in this kind of situation.

"Ugh... This is troublesome." Rinig kong sabi ni Harris mula sa aking likod.

What did he mean by 'troublesome?' Like this thing is troublesome for him?!

Alam ko ang ibig na sabihin ni Harris, pero wala naman sigurong gumusto nito. Ito ay isang aksidente.

"Ayos na siya. Pero unconscious pa rin siya." Rinig kong sabi naman ni Lolo Heinz nang matapos na siya sa ginagawa niya kanina kay Lola Carmelita. Nakita kong nakakahinga na rin ulit si Lola Carmelita ngayon.

"Alam ko ang mga dapat na gawin sa mga ganitong sitwasyon dahil dati akong doktor ng isang sikat na ospital sa ibang bansa noon. Subalit dahil sobrang tanda ko na, nag-retire na ako." Dugtong pa ni Lolo Heinz.

Ahhh! Kaya naman pala sobrang expert niya sa paghandle ng sitwasyon at kung ano ang dapat niyang gawin, dahil isa pala siyang doktor noon. Siguro mataas ang katungkulan niya noon sa ospital na pinagta-trabahuhan niya dati?

"Ahhh, pero ano po ba ang sakit ni Lola Carmelita? Naipatingin niyo na po ba siya sa doktor?" Tanong ni Kyle kay Lolo Heinz. "Oo, naipatingin ko na siya sa doktor noon. At ayon sa doktor... May butas ang kaniyang puso."

Nagulat ako sa aking narinig. Halos matulala ako nang marinig ko ito!

May butas? Ang puso ni Lola Carmelita?

"At sinabi rin ng doktor na sobrang tagal na pala yung butas na yun sa puso niya... Kung hindi pa sinabi ng doktor na meron pala siyang butas sa puso, hindi pa namin malalaman ang tungkol dito. Tinago ni Carmelita ang lahat sa amin tungkol dito." Batid sa boses ni Lolo Heinz ang sobrang pagkalungkot at pagkadesperado.

"B-Baka naman po pwede pa pong maagapan ito?" Hindi ko na napigilan ang aking sarili na magsalita na din sa huli.

Nakita kong tumingin sa akin si Lolo Heinz, pero muling iniwas ang tingin bago malungkot na yumuko.

"Ayoko mang paniwalaan, pero... hindi na maaagapan pa ito. Huli na ang lahat."

A-Ano?

Parang tumigil ang oras dahil sa aking narinig... Hindi ako makapaniwala.

"Alam kong ang hirap tanggapin, pero wala ng magagawa. Andiyan na, eh..." Dugtong pa ni Lolo Heinz bago siya umiyak na ng tuluyan.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon