Chapter 20: The Savior

68 15 3
                                    

Rose's POV

Kasalukuyang andito pa din ako sa lugar na hindi ko alam kung ano ang tawag sa lugar na ito. Basta ang alam ko lang ay ngayon ay andito pa din ako sa panahon ng nakaraan.

Hindi ko alam pero dito sa lugar na ito, sobrang tagal nang taon ang mga lumipas simula nung ibigay ni Furist ang kaniyang mahika sa dalawang bata. At sa tingin ko ay halos parang daang taon na ata ang lumipas, pero parang minuto lang ang lahat ng mga nangyayari dito para sa akin.

Sa sobrang tagal nang panahon ang lumipas dito, madami na din akong nalaman tungkol sa mga nangyari nung nakaraan at unti-unti ko na din naiintindihan ang mga ito.

Lumaki na yung dalawang bata na binigyan ni Furist ng kaniyang mahika, at ang tawag ng lahat sa dalawang ito ay Evie at Aedan. At dahil sila ang unang tao ang nagkaroon ng mahika, itinuring silang descendant.

At habang lumilipas ang panahon, nagkaroon sila ng anak at nang lumaki ito, nakapag-asawa ito ng non-magicae. At yung naging anak nila ay mayroon ding taglay na mahika. Lumipas ang daang taon, ang mga taong may mga taglay na mga mahika ay nagkalat na sa buong mundo.

Pero dahil sa laganap na ang taong mga may mahika, nakakalimutan na ng iba ang silbi ng kanilang mga mahika. Ang dahilan na dapat ay gamitin ito sa tama, subalit nagagamit ito sa kasamaan.

Dumating sa punto na ginagawang alipin ng mga magicae ang mga non-magicae at minsan ay pinagsasamantalahan pa ang mga ito. Pero dahil sa sobra na ang ginagawang pag-aalipusta ng ibang mga magicae sa non-magicae, napag-isipan ng mga non-magicae na gumanti sa mga magicae.

Nag-plano ang lahat ng mga non-magicae kung paano nila papatayin ang mga magicae, at lahat ng mga non-magicae ay sumang-ayon sa plano. Ito ay dahilan upang matapos na din ang mga pag-aalipusta at pagsasamantala ng mga magicae sa non-magicae.

At dumating ang isang araw na ang lahat ng mga non-magicae ay nagtulong-tulong na sinugod at pinaslang ang lahat ng mga magicae. Pero ang akala nila ay tuluyan na nga nilang naubos ang lahat ng mga magicae.

500 na taon ang lumipas at ang lahat ng mga non-magicae ay namuhay na ng mapayapa at maayos simula noon. Subalit ang hindi nila alam ay mayroon pa din na mga magicae ang nabubuhay pa din sa mundo. At ang mga magicae na ito ay namumuhay na sa tago na kagubatan at ang tawag ng mga magicae dito ay 'Villa Silvam.' At ilan sa mga magicae na may mahika na scūtum ay ang mga nagsisilbing tagapag-lagay at nagpapatibay ng barrier sa buong Villa Silvam na nasasakupan nito. Sila din ang nagbabantay dito, kumbaga, para silang bodyguard or security guard ng Villa Silvam.

Well, ngayon na andito na ako, aaminin ko na nakakapagod din pala. Hindi ako napapagod dahil sa kanina pa ako dito. Napapagod ako dahil nararamdaman ko kung paano nahihirapan ang lahat ng mga non-magicae at magicae sa kanilang sitwasyon. Napapagod ako dahil sa mga nangyayari sa mga non-magicae at magicae na paglalaban.

Hindi ba sila napapagod? Hindi ba pwedeng itigil na lamang nila ang kanilang paglalaban? Hanggang kelan ba ito bago matapos?

At ngayon, katulad nga ng sinabi ko, madaming mga pangyayari ang mga nagaganap dito, pero para lang minuto lang ang lumilipas para sa akin.

Nalaman ko na si Sir Kristoff nung bata pa siya ay dito sa Villa Silvam nanirahan dati, at nag-iisa lamang siyang anak ng kaniyang mga magulang. At ang ama niya ay kapitan ng Villa Silvam.

Hindi ko ba alam, pero nagbago na talaga ng tuluyan ang lahat ng mga magicae kumpara noong mga dating magicae na ginagamit sa kasamaan ang mga mahika. Sa sobrang pagkabago, hindi ko na ma-isip na gagawa pa sila ng masama. Payapa at maayos na namumuhay ang mga magicae dito sa Villa Silvam, at ang pinaka-mahalaga ay ang masaya silang lahat. At natutuwa naman ako para dito.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon