Chapter 56: Find The Treasure [Part 1]

30 8 0
                                    

Rose's POV

Kasalukuyang naglalakad na kaming pareho ni Quin patungo doon sa school ground na kung saan ay magkikita-kita kaming lahat na mga estudyante.

Gabi na, at ten minutes left na lang ang natitira para makapagsimula na kaming lahat sa game.

Habang naglalakad naman ay nakita na namin mula dito na marami ng mga estudyante ang mga nakatambay na doon sa school ground, at marami rin naman ang papunta pa lang din doon.

At nang medyo malapit na kami ay doon na namin nakita sila Kyle, Chris at yung kambal na magkakasama. Pero silang apat ay puno ng mga pag-aalala sa kanilang mga mukha.

"Hey!" Rinig kong tawag ng katabi kong si Quin sa kanila.

At sakto nito ay ang paglingon ng mga ito kay Quin, at napansin ko ang pagkagulat nila sa kanilang mga mukha.

Well, I think they didn't expect that they'll see Quin today.

"QUIN!"

Biglang sigaw nung kambal kasabay ng pagtakbo nilang dalawa patungo sa amin.

"H-Hey, hey, hey! Walang dadamba sa aki–" naputol na sa pagsasalita si Quin nang biglang dumamba yung kambal sa kaniya at saka yumakap ng mahigpit.

"Hey! G-Get off of–" "WE MISSED YOU SO MUCH!" Humahagulgol na sabi nung dalawa.

Napansin ko naman na medyo natigilan si Quin nang makita niyang humahagulgol na yung dalawa habang yakap siya.

Lumapit naman yung isa pang dalawa na lalaki. Sina Kyle at Chris.

"Hoy, saan ka ba nagpunta? Pinag-alala mo kami ng husto dito." Sabi ni Kyle kay Quin.

"Hmmm... Let me think..." Sabi ni Quin bago pa siya parang malalim na nag-isip. "Ah! I went outside the planet." Dugtong niya bigla bago pa siya malapad na ngumiti.

Napa-poker face naman si Kyle, kaya natawa itong si Quin.

"Hahaha! Sorry na, aba! Nagbibiro lang naman yung tao! Naggala lang ako sa labas ng barrier. Pero huwag na kayong mag-alala pa, dahil look! Wala naman nangyaring masama sa akin." Ngiti ni Quin.

Kumalas na ng yakap yung kambal mula kay Quin bago tumingin ng masama dito, at nang mapansin niya ito ay bigla siyang nagtaka. "Haha! Bakit? May ginawa ba akong masama?" Natatawang tanong niya.

"Oo! Ang ginawa mong masama ay hindi ka man lang nagsabi sa amin na aalis ka! Edi dapat nakasama pa kami sa'yo at nasiguro namin ang kaligtasan mo!" Singhal ni Lin.

"H-Hey... Easy! Sorry na, okay? At isa pa, kaya hindi na ako nagsabi pa sa inyo ay dahil ayoko ko kayong maabala. At kaya ko rin ang sarili ko, kaya kong maging mag-isa, kaya hindi niyo na kailangan pang mag-alala pa sa kaligtasan ko. Pati hindi rin naman ganun kadelikado sa labas ng barrier, diba?"

"Pero alam mo naman na hindi namin magagawang mawalay sa iyo, diba? At hindi rin kami magiging kuntento kapag hindi namin masisiguro ang iyong kaligtasan." Sabi naman ni Lian.

Nakita kong ngumiti si Quin, "sa tingin ko, hindi niyo na kailangan pang alalahanin pa iyon sa ngayon. Dahil hindi naman habang buhay ay aasa na lang ako sa lakas niyo. Kaya ko rin protektahan ang aking sarili. At dapat niyo rin akong pagkatiwalaan doon."

Napansin ko rin naman na medyo natigilan yung kambal.

Oo, kung iisipin ay talagang may point si Quin sa kaniyang sinabi. At hindi rin naman habang buhay ay palaging may taong andiyan para sa iyo. Kaya kailangan rin ng bawat tao na matuto na tumayo sa sarili.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon