Chapter 58: Find The Treasure [Part 3]

39 8 0
                                    

Someone's POV

Katatapos lamang akong paliguan ng aking mga tagapag-silibi dito sa palasyo, at ngayon naman ay binibihisan na ako ng aking damit.

Subalit habang silang lahat ay abala sa pag-aasikaso sa akin, ay hindi pa rin nawawala sa aking isipan na kung naka-uwi ba siya ng maayos sa kanilang tahanan nung araw na iyon.

Ah! Oo nga pala... Hindi ko nga pala naitanong kung anong pangalan niya. Pero hindi bale, malalaman ko rin naman siguro iyon kapag nagkita kami ulit.

Matapos akong ayusan ay saka na nila ako inilabas na sa loob ng dressing room ko.

Napatingin naman ako sa higanteng wall clock na nasa labas ng palasyo. Halos mag-9 na ng gabi.

Subalit nagulat kami nang bigla kaming may narinig na malakas na kumatok sa double door ng kwartong ito, kaya ang lahat ng narito ay biglang naalerto.

"Aming Mahal na Reyna, may importanteng mensahe kaming ihahatid sa inyo," rinig kong sabi nung nasa labas ng double door.

Importanteng mensahe?

Nilingon ko yung isa sa aking mga tagapag-silbi at saka ko siya sinenyasan na pagbuksan itong taong ito, kaya naman ay mabilis nitong sinunod ang aking utos.

At pagkabukas nito ng double door, ay ang bumungad sa amin ay ang mga Royal Guards ng palasyo. Bigla naman akong nagtaka kung bakit narito sila ngayon sa ganitong oras ng gabi.

"We already found it!"

___

Rose's POV

Kasalukuyan kaming pareho ni Chris naglalakad ngayon dito sa loob ng gubat habang hinahanap yung Trickster sa paligid.

Magkatabi kaming dalawa ngayon, dahil sinabi niya sa akin na huwag daw akong lumayo sa kaniya at baka daw ako mawala sa paningin niya.

Sobrang dilim sa paligid at sobrang tahimik din, at ang tanging nagsisilbing liwanag lamang namin ay ang malaking buwan sa langit.

Subalit damang-dama ko ngayon na halos sumabog na itong puso ko dahil sa sobrang bilis sa pagtibok nito ngayon!

Sa tingin ko nga naririnig niya na kung gaano kalakas itong pagtibok ng aking puso ngayon! Pero buti na lang din naman ay hindi niya masyadong nakikita itong mukha ko dahil sa dilim ng paligid.

Pero ang hindi niya din alam ay sobra nang nag-iinit itong mukha ko at pakiramdam ko ay naging kamatis na naman ito ngayon!

"Hey, Rose..." Nagulat naman ako nang marinig kong bigla niya akong tinawag sa pangalan ko, kaya bigla akong nag-panic. "W-WAAA!"

Pero bigla rin naman akong natigilan nang ma-realize ko kung anong ginawa ko. Napatingin ako kay Chris at nakita kong parang nagulat rin siya sa naging reaksiyon ko.

Ugh! Rose! What have you done?! He'll think that you're crazy!

Agad akong pilit na ngumiti kasabay ng pagghingi ko ng sorry sa kaniya, "ah... S-Sorry about that." Nahihiyang sabi ko.

Pero narinig ko siyang medyo natawa kaya para akong mas lalong nailang! "Haha, that's okay. It's kinda cute, actually."

C-Cute?

"By the way, haven't you notice that there's still no ghosts showing up to us since earlier?" Rinig kong dugtong niya pa.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon