Chapter 21: No Doubt, You Like Him!

53 14 1
                                    

Rose's POV

Kalalabas ko lang galing sa loob ng office ni Sir Kristoff. At kasalukuyang naglalakad ng muli ako sa hallway pabalik sa dorm namin ni Quin.

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako maka-get over dahil sa mga nalaman ko ngayon. Pero ang iniisip ko, kung magiging parte nitong Enchanted School yung tao na sinasabi ni Sir Kristoff na magiging tagapagligtas ng mundo, sino naman 'yun? Even the students here nor Sir Kristoff didn't know who it is. No one knows... Now I'm curious.

Nagulat ako nang biglang pumasok sa loob ng damit ko yung squirrel na nasa balikat ko, at dahil dito nataranta ako agad. "G-Get off!" Sabi ko habang pilit na pinapaalis yung squirrel sa loob ng damit ko.

Nanlaki yung mga mata ko nang maramdaman kong parang biglang may kung ano akong naramdaman sa loob ng aking katawan kung saan andoon yung squirrel.

"KYAAAAH!" Hindi ko na napigilan ang mapatili dahil sa kiliti na aking nararamdaman and in the other way ay medyo natataranta na din.

"So, as like as I said, it's way more–wait, huh?" natigilan ako nang marinig ko ang familiar na boses. Kaya agad akong lumingon sa aking likuran at nanlaki ang aking mga mata nang makitang nakatayo dito si Kyle at kasama niya si Chris na kaniyang kaibigan.

Biglang nagliwanag ang mukha ni Kyle nang makita niya ako at aktong lalapitan niya ako pero bigla naman siyang natigilan nang mapansin na may laman yung loob ng aking damit.

Oh, gosh!

"What was that thing inside your T-shirt?" Kunot-noong tanong ni Kyle. Hindi ako nakasagot nang bigla muling gumalaw yung squirrel sa loob ng aking damit at dahilan ng aking pagkatili.

"P-Please, tulungan mo ako sa pag-alis nito sa loob ng aking damit." Nagulat ako nang bigla ko itong nasabi sa kaniya. What am I thinking? Bakit ko yun sinabi sa kaniya?! Am I dumb? How could he help me to get this squirrel get off to my shirt?!

"Oh, sure." Natigilan ako nang marinig ko ito.

S-Say what?

Akala ko lalapitan ako ni Kyle, pero napansin kong inilabas niya lang yung kaniyang kamay na nasa loob ng kaniyang bulsa at ngayon ay napansin kong kusa na lang lumutang palabas mula sa loob ng aking damit itong squirrel. Nang makalabas na ito, agad ko na itong kinuha.

Woah, hindi ko inisip na ganun lang pala ang gagawin ni Kyle. Parang ang bilis lang para sa kaniya.

"Ah... T-Thanks for helping me." Sabi ko sa kaniya. "It's nothing. It's not really that big." Sabi naman niya.

Napabuntong-hininga ako. Buti na lang pala talaga at walang masyadong nakakita sa nangyari at sila Kyle at Chris lang ang nakakita dito... Pero nakakahiya pa din na nakita nila ako sa ganung sitwasyon!

"By the way, anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka lumabas muna ng barrier para makapaggala kahit kaunti sa lugar ng mga non-magicae?" Tanong ni Kyle.

Umiling ako. "Ayoko muna... Hindi muna sa ngayon." Sagot ko. Hindi muna sa ngayon. Kahit lumabas ako ng barrier, wala rin akong mapapuntahan. At ayokong magpakita kila Papa at Ate, dahil wala naman akong karapatan.

"Ahhh... Oh! By the way, nabigyan mo na ba ng pangalan 'yang squirrel na binigay sa'yo ni Ms. Falton?" Tanong pa ni Kyle. Oh! Now that I remembered. Dapat pala bigyan ko ito ng pangalan.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon