Chapter 2.1: Ang Kaarawan ni Kristoff [1]

119 18 1
                                    

Kristoff's POV

[Kinaumagahan]

Agad akong napabalikwas ng bangon nang magising ako ngayong umaga.

Ako ay nagpatalon-talon sa aking higaan, sapagkat sobrang saya ko at aking kaarawan na ngayon at ika-10 taong gulang ko na ngayon!

Masigla akong lumabas ng aking silid at sinalubong ang aking ama at ina. "Magandang umaga, ina at ama!" Masigla kong sabi sa kanila.

Kinarga ako ni ama, "nakatulog ka ba ng mahimbing, anak?" Tanong ni ama. "Opo, ama!" Lumapit si ina sa akin at hinalikan ako sa noo, "Kristoff, anak, tara at kakain na tayo ng almusal." Sabi ni ina "sige po, ina." Sagot ko.

Nagtungo na kami sa hapag kainan at doon sabay-sabay na kumain ng almusal.

Pagkatapos naming kumain, tumayo si ina at may kinuha na kung ano sa ibabaw ng aparador at saka lumapit sa akin. "Maligayang kaarawan, Kristoff! Dahil diyan, ito ang aming regalo sa iyo ng iyong ama." Malapad ang ngiti sa labi ng aking ina at ama. Ibinigay sa akin ni ina ang isang maliit na puno na nakalagay sa isang paso.

Laking tuwa ko nang makita kong isang puno ito. "Alam kasi namin na mahilig ka sa mga puno katulad niyan... Sana nagustuhan m-" hindi pa si ina natatapos magsalita ay agad ko na siyang niyakap ng mahigpit dahil sa sobrang saya "maraming salamat po! Nagustuhan ko po ito ng sobra! Ito ang pinakanagustuhan ko po sa lahat! Maraming salamat po ulit!" Masayang banggit ko.

"Tara, anak, itanim natin sa labas ng bahay natin yang puno mo para mas lalong lumaki yan." Sabi ni ama.

Masiglang tumango ako "sige po!" Sagot ko at saka kami nagtungo sa labas ng aming bahay at doon tulong-tulong na inilipat ang puno na nakalagay sa paso na hawak ko sa aming bakuran.

Masaya at puno kami ng tawanan at kakulitan habang ginagawa namin ito.

Habang tulong-tulong naming inililipat ang puno sa lupa ng aming bakuran, napansin kong ang buong mga magicae dito sa loob ng Villa Silvam ay abala din sa paghahanda para sa aking kaarawan.

-----

Someone's POV

"Haysss, kanina pa ako naglilibot dito sa kagubatan upang makahuli, pero hanggang ngayon wala pa din ako-" natigilan ako sa pagsasalita nang bigla akong may nakitang isang usa.

Sa wakas at nakakita na din ako...

Dahan-dahan kong inilalabas ang aking pana mula sa aking likuran habang tahimik na lumalapit dito sa usa.

Ngunit nang aking patatamaan na ang usa, bigla naman ito ako nakita at nang saktong pinatamaan ko na ito ng aking pana na hawak ko, bigla naman ito kumaripas ng takbo kaya sumala ang tama ng pana ko. Kaya wala na din akong ibang nagawa kundi ang tumakbo at habulin ang usa.

Third Person's POV

Sa loob ng Villa Silvam, habang ang lahat ng mga magicae ay abala sa paghahanda, pagpapaganda at paglalagay ng dekorasyon para sa kaarawan ni Kristoff, ang ibang mga bata ay masigla at masayang nagtatakbuhan.

Ngunit ang isa sa mga bata na nagtatakbuhan ay nadapa at nasugatan sa tuhod. Ito ay umiyak dahil sa sakit sa kaniyang tuhod.

Napansin naman at nakita ang kalagayan ng batang ito ng isang scūtum. Kaya upang matulungan ang bata, umalis muna ito sa kaniyang pwesto kung saan ay kaniyang pinoprotektahan, pinapalakas at pinapatibay ang barrier.

Someone's POV

Habang hinahabol ko ang usa, patuloy ko itong pinapatamaan pero palaging sumasala ang tama ng pana ko.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon