Chapter 1: Villa Silvam

277 18 1
                                    

Kristoff's POV

Ako si Kristoff McKnight, 9 taong gulang at malapit na rin mag sampung taong gulang na.

Ako ay nakatira sa Villa Silvam. Ginawa itong Villa Silvam dahil noong unang panahon, ang mga tao o non-magicae ay kinamumuhian at pinapatay ang mga katulad naming mga magicae. Sapagkat pinaniniwalaan nila na ang mga katulad namin ay mga demonyo, mga mangkukulam at gumagamit ng itim na mahika upang manghamak sa mga ordinaryong tao o non-magicae.

Ang mga katulad naming mga magicae ay may taglay na mga mahika o kapangyarihan, subalit hindi pare-pareho ang aming mga abilidad at kalakasan.

Kaming mga magicae ay nananatili at nagtatago dito sa Villa Silvam, at malayo sa lugar ng mga non-magicae upang mapanatili namin ang kapayapaan ng bawat isa.

Masaya at payapa kaming naninirahan dito sa Villa Silvam, at matiyaga rin naming pinoprotektahan ang kapayapaan sa buong mundo.

Ang Villa Silvam ay pinoprotektahan ng mga scūtum. Sila ang naglalagay, nagpapalakas, nagpapatibay at nagbabantay ng barrier sa buong Villa Silvam.

Ang barrier ay nakapagtatago at nakapagsasara sa mga nilalang na mapanganib lalo na sa mga non-magicae.

Sa dulo ng Villa Silvam ay doon kami nakatira ng aking mga magulang, at ang tawag sa amin ay pamilya "McKnight."

Wala akong kapatid, at tanging ako lang ang nag iisang anak ng aking mga magulang.

Daniel McKnight ang pangalan ng aking ama, at siya ang tumatayong kapitan ng Villa Silvam dahil siya ang tinitingala at nirerespeto ng lahat ng mga magicae dahil sa kaniyang tunay na mabuting puso at malakas na kapangyarihan.

Ang aking ama ang nagpoprotekta at nagbibigay kaayusan sa buong magicae sa villa silvam.

Ang mahika ng aking ama ay tinatawag na "black hole" at taglay nito ang humigop ng kapangyarihan na inaatake sa kaniya, at ang nahigop niyang kapangyarihan ay maaari niyang taglayin din.

Sa lahat ng black hole users, ang aking ama lamang ang pinakamalakas at mahusay.

Lucy McKnight naman ang pangalan ng aking ina. Siya rin ay tinitingala at nirerespeto ng mga magicae dahil sa kaniyang tunay na mabuting puso at kahusayan sa kaniyang mahika.

Taglay ng aking ina ang makapag manipula ng utak at makita ang nakikita ng kaniyang kinokontrol. "Hipnoticus Contrarotulum" ang tawag sa mahika ng aking ina.

Sa gilid ng aming bahay, doon ay nagsasanay ako kasama ang aking ama.

Nais kong maging mahusay at lumakas tulad ng aking ama. Subalit kahit anong pagsasanay ang aking gawin, sobrang hina at wala pa ring progreso ang aking mahika. Kahit ako ay mula 5 taong gulang pa lamang noon ay nagsasanay na ako hanggang ngayon.

Ang tanging mahika na aking nagagawa lamang ng maayos ay ang Hipnoticus Contrarotulum na aking namana sa aking ina. Subalit ang Black Hole na aking namana sa aking ama ay hanggang ngayon ay hindi ko pa din nagagawa ng maayos.

Tumigil ako sa ginagawa kong pagsasanay at umiyak at nagmaktol, dahil pagod na ako sa pagsasanay ng paulit-ulit at wala rin naman nangyayari.

"Pagod na pagod na ako ama! Wala rin naman nangyayari! Ayoko nang magsanay!" Sabi ko. "Kristoff, wag kang panghinaan ng loob. Magagawa mo rin yan kapag inisip mong magagawa mo. Kaya mo yan. Magiging malakas at mahusay ka din tulad ko. Walang impossible. Yan ang palagi mong tatandaan, Kristoff." Nakangiting sabi sa akin ng aking ama.

Napangiti ako dahil sa ginawang pagpapalakas ng loob sa akin ng aking ama. Tumango ako kay ama at ipinagpatuloy na ulit ang aking pagsasanay.

"Magandang tanghali Kristoff at Kap. Daniel!" Bati ng isang magicae na dumaan at makitang nagsasanay ako kasama ang aking ama. Nginitian ko yung bumati at tumango naman si ama.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon