Chapter 28: Uncertain

60 13 1
                                    

Kyle's POV

"HAHAHAHA! Bakit napakahina ninyong lahat?! Hanggang diyan lang ba ang kaya niyo?" Sabi ni Professor Dominate habang patuloy niya kaming inaatake gamit ang kaniyang mahika na tubig.

Kampanteng nakatayo lamang siya sa isang lugar at tanging ang kaniyang mga kamay lang ang gumagalaw para makalikha ng iba't ibang klaseng mga form na gusto niya sa kaniyang tubig bago ibabato ito sa amin, habang kami naman ng mga kagrupo ko ay basang-basa na sa tubig at hirap na hirap na din para mapabagsak lamang namin si Professor Dominate. Ni wala man lang siyang bahid ng anu mang sugat o gasgas sa katawan!

Ugh! Nakakainis!

"Hahahaha! Mauubos na lang ang oras niyo sa kasusugod sa akin, pero hindi niyo pa din ako natatalo! Mga mahihina!"

One hour ang binigay sa aming lahat para talunin ang mga makakaharap namin na teacher sa tatlong andito ngayon sa GTG. And only five minutes left para talunin namin si Professor Dominate. Pero fifty-five minutes na ang nakalipas at wala pa ring progress ang pagtutulungan naming lahat ng mga kagrupo ko dito. Mas lalo lang nagiging worse ang sitwasyon namin at mas lalo ring umuunti ang bilang sa grupo namin na kaya pang gumalaw para kalabanin si Professor Dominate.

Kailangan ko ng mag-isip ng ibang paraan para matalo si Professor Dominate!

Ah... Teka... Alam ko na! Nakakaasar lang isipin na bakit hindi ko ito naisip kanina pa lang?

Tatlo na lang kaming natirang nakatayo pa dito, pero kanina, sixteen pa kami. But that doesn't matter right now. Because I will make sure that it's our win now.

"Ahhh~ Kyle~ Tayong tatlo na lang pala ang natitirang nakatayo dito~" "Oo nga~ Pero pag natapos na itong laban natin kay Professor Dominate, maaari bang samahan mo kaming dalawa mamaya para magpa-init lang ng unti, Kyle~? Hmmm~?"

Ugh... These two gays... Sheesh, gross. I hate this kind of stuffs. Hearing those words makes me have goosebumps!

"SHUT UP! Tumigil kayo, dahil wala akong sasamahan ni isa sa inyo." Sabi ko bago sila nilagpasan at naglakad na patungo kay Professor Dominate para talunin siya.

I can settle this by my own now. Now that I know what I should do.

"Oh? Going alone? You should be tough one." Nakangiting sabi ni Professor Dominate sa akin.

"Yeah." Sagot ko naman na nakangiti rin.

"Excellent! Good idea, Mr. Krueger... Better ready yourself." Aniya. "Hmmm, I think you misunderstood. Maybe you're the one who should ready yourself." Sagot ko naman.

"Wow. Masyado na atang mataas ang tingin mo sa sarili mo. Siguro kailangan pa kitang turuan ng unti." Only three minutes left. Anyway, I can finish this with one blow.

Nakita kong gumawa ng napakalaking tornado na gawa sa tubig si Professor Dominate. At dahil sa mabilis nitong pag-ikot, gumagawa na rin ito ng napakalakas na ingay at hangin sa paligid na halos liparin na kaming lahat dito. Pero hindi ako nabagabag dito.

I smiled at Professor Dominate while looking directly into his eyes. "Wrong decision, but thank you. You helped me, Professor Dominate."

Ang mabilis na pag-ikot papunta sa akin ng malaking tornado ay mabilis ko ring naibalik sa kaniya gamit ang aking mahika. Nakita ko kung paano siya nagulat sa ginawa ko. Aktong gagawa siya ng aksyon para hindi matuloy ang pag-ikot papunta sa kaniya ng tornado, subalit huli na ang lahat nang natabunan na siya ng tornado kasabay ng pagde-form ng tornado at pagbagsak sa kaniya ng malaking alon ng tubig.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon