Chapter 46: Crepusculum Sphaera

62 14 1
                                    

Author's Note:

Hi there, magicae and non-magicae! It's nice to see you again! I'm so sorry for the late updates.

But as now, I highly recommend to you to wear an anti-radiation eyeglasses or turn the dark mode of your reading settings to protect your eyes from the radiation of your gadgets.

Because expect that this chapter is so long and you might take an hour to finish this. Actually, it depends on you. If you're a fast reader, it's not that long for you. Well, that's all!😊

Enjoy reading~!😊✨

@Snow_In_April
____________________

Rose's POV

[Kinaumagahan]

"Rose! Uy! Rose! Gising na!"

Kanina ko pa naririnig si Quin na ginigising ako habang niyuyogyog pa para lang magising ako, pero sobrang bigat pa rin ng buo kong katawan para bumangon. Gusto ko pang matulog!

"Rose! Alam kong gising ka na! Kaya bumangon ka na diyan!"

Haysss, ang kulit talaga ni Quin eh! Hindi niya talaga ako lulubayan hangga't hindi pa ako nabanganon!

"Ugh~! Antok pa ako." Sabi ko bago pa ako nagtalukbong ng kumot.

"What?! Antok ka pa sa lagay na yan?! Eh halos dalawang araw ka na ngang natutulog diyan sa higaan mo!"

WHAT?!

"At may napag-usapan tayo diba? Ang sabi mo pa nga, once na gumising ka na ulit, magbobonding na tayo agad!" Sabi niya pa bago niya hinablot sa akin yung kumot.

Oh... I remembered saying that to her.

At dahil sobrang mapilit talaga nitong si Quin, wala na akong naging ibang choice kundi ang bumangon na. At pagkakita ko sa kaniya, nagulat ako nang makita ko siyang nakangiti na parang aso habang nakatitig sa akin. At ang mas lalo ko pang ikinagulat ay ang biglaan niyang pagyakap ng mahigpit sa akin.

"I'm glad that you're awake na!" Aniya pagkatapos ay kumalas na rin siya ng yakap.

Napangiti naman ako matapos niyang gawin ito sa akin.

Oo inaamin ko, namiss ko talaga silang lahat. At syempre, si Quin din. Ilang araw din kasi ang lumipas simula nung huli kaming nagkita at nagkasama.

Pero sa kalagitnaan ng pagkain at tawanan namin ni Quin, nagulat ako nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. At biglang umikot ang paligid sa paningin ko.

T-Teka... Ano na naman ba ang nangyayari sa akin?

May sinasabi si Quin pero hindi ko ito masyadong naririnig at naiintindihan, kasi miski ang boses niya ay blur din.

Pero ang hindi ko in-expect na sa kabila ng nangyayari sa akin ngayon, bigla na lang nagbago ang nasa paligid ko.

Blur pa din ang paligid pero alam ko naman na ibang lugar na ito.

Asaan ako?

Luminga-linga ako, at nagbabakasakali na may makita akong tao dito. Pero sa kalagayan ko ngayon na ito, imposibleng mangyari iyon.

“Wala ng sapat na oras pa. Kaya bilisan niyo na. Parating na siya!”

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon